Elise
"Eli, may naghahanap sayo."
Umangat lang yung mukha ko mula sa pagkakatutok sa monitor ng computer pero yung mga kamay ay patuloy pa din sa pagtipa sa keyboard. I am working on a case that I can't get done because I am still getting all the supplementary details to support my statements.
At dahil nga may pagkagago yung boss ko ay kung anu-anong pinapagawa nito. Lalo pa at naiinip na ito dahil hanggang ngayon ay wala pa din akong matinong lead tungkol sa kinababaliwan nitong pintor ngayon.
"Eli!" Isang medyo malakas na hampas na sa ibabaw ng mesa yung nagpatigil sakin sa ginagawa ko.
I raised a brow. "What?"
Hindi ba nito alam na sinisira nito yung momentum ko? Alam nya ba kung gaano kahirap para sa mga writer ang maghanap ng momentum para lang matapos yung mga trabaho at mahabol lahat ng deadlines?
"I'm busy. C'mon." My voice sounds a little more impatient now. My hands are wanting to get all of my tasks for today done so I could get home early.
"May naghahanap sayo." Itinuro ng copywriter namin yung direksyon ng lobby kung saan madalas tambayan lang ng kung sino-sinong bwisita.
Bwisita dahil kadalasan naman ng bumibisita sakin ay yung mga corporate lawyers ng kung ano-anong korporasyon na binabangga ko. O kung hindi naman ay mga arbiter para manuhol at makipag-areglo. At dahil madalas ay hindi ako madaan sa ganoon, ay pagbabantaan pa ako at sasabihan lang ng kung ano-ano. Nakakapagod at isang malaking aksaya sa oras. Buti sana kung mga magdodonate. Kaso, hindi naman. Kaya wag na lang.
"I'm not expecting any visitors." Iwinasiwas ko pa yung kamay ko sa ere. "Sabihin mo wala ako."
"Mukhang mayaman."
Yung tangka ko sana na pagbalik sa ginagawa ay natigil sa ere pagkabanggit nito niyon. "Mapera?"
Tumango pa yung copywriter namin habang humihigop ng kape sa papercup na hawak nito. Kape na nabibili sa vending machine sa may malapit sa cafeteria.
"Branded lahat ng suot. Mabango. Kaso mukhang kuripot." dugtong pa nito na tumatango-tango.
Natatawang inagaw ko yung papercup na hawak nito at nakihigop din doon ng kape.
Marissa, one of our copywriters, is one of my good friends. Isa kasi ito sa mga volunteers ko sa tuwing may outreach program ako.
At sa mga gaya namin na nagboboluntaryo lang para makatulong at wala namang kinikita, isang malaking bagay na kapag may mga pagkain o inumin kami na mapagsasaluhan. Walang arte-arte.
"Mukhang mapipilit ba na maglabas ng pera at mahingan ng donasyon?" ibinalik ko dito yung papercup ng kape.
Nagkibit-balikat lang si Marissa. "Posible. Kaso mukhang malabo."
Napasimangot naman ako. "Gwapo?"
Aba. Kung hindi ko lang din naman mahuhuthutan, at least man lang sana appealing sa mata.
"Gwapa." hinatak ako nito patayo at saka malakas na itinulak patungo sa direksyon ng lobby. "Harapin mo na. Baka mapagkakakitaan."
I rolled my eyes. Kung may makakarinig lang samin, hindi na ako magtataka kung mapagkakamalan kaming gold digger.
"Pag wala akong napala dito, sagutin mo lunch ko bukas ha? Wala akong pera."
Tumawa lang si Marissa at saka naiiling na bumalik patungo sa bay nito.
Ako naman ay walang nagawa kung hindi tunguhin yung daan patungo sa reception area sa may bandang lobby.
I was expecting the person who's looking for me to be just one of type of people that I'm accustomed into seeing. Professionals. Yung tipong itsura pa lang, alam mo na agad na tungkol sa negosyo ang ipinunta.
BINABASA MO ANG
YuanFen
RomanceWhat we have is just now. As long as she loves me. As long as she wants to be with me. As long as there is 'we'. I love her! But the rainbow is not just a blend of vibrant and bright colors. It doesn't even stay for a long period of time-- just eno...