Elise
Nakailang sulyap na ako sa phone ko para siguraduhin kung may text messages ba or tawag mula kay Akira.
Yet, I always get the same result. None. Nada.
Had she changed her mind?
Naisip ba nito na aksaya lamang sa oras yung pagpunta at pag-attend ng dinner party?
It is my big boss's birthday party. Just a simple dinner, exhibiting all of the arts he collected dito mismo sa building ng opisinang pinagtatrabahuhan ko. And all of the famous painters, if there aren't any, who were invited personally by my boss, had already gifted him a piece to add on his collection.
Bukod pa doon, inimbitahan ko din ito.
Wala lang. Naisip ko lang banggitin kasi sinamahan ako nito nung nagpasa ako ng paperback at nabanggit nga ng katrabaho ko yung event na 'to.
Tsk. Bakit ba ako nag-eexpect na pupunta sya? E hindi naman sya nangako. At saka hindi din sya nagkumpira na pupunta noong personal itong pinadalhan ng invitation ng boss ko. So, bakit pa ako aasa?
For someone as famous as Akira, this type of gathering, is just a bothersome. Malamang nga ay ayaw nito ng mga ganitong pagtitipon dahil aksaya lang sa oras.
It makes me wonder if Akira had ever tried drinking any alcoholic drinks. Kape nga hindi ito umiinom, alak pa kaya?
Well, pwede. Siguro?
"Hoy, nasaan na yung babae mo? Hindi talaga pupunta no? "
Mula sa pagsulyap sa phone ay napaangat yung tingin ko sa nagsalita na iyon.
It's Miranda.
One of my co-workers and a dedicated volunteer in all of my charity events.
"Busy si Kaylee." I answered out of other reasons to think of.
"Oh! Yun pa din pala. Akala ko iba na."
Inangatan ko lang ito ng kilay kaya natatawang inabot nito yung isang kopita ng alak na hawak nito.
Gaya ng ibang nandito, the woman is also wearing a cocktail dress, prepped to meet and mingle with either a potential subject or another art enthusiasts. Usually naman ganoon lang yung mga iniimbita ng boss namin.
"It seems kasi that you're hanging more lately with the painter kesa sa mga models na kaibigan mo."
Am I?
Well, sabagay. Dati rati naman sa mga events ang tanging hinahatak ko ay sina Kaylee o di kaya naman ay si Tris. But eversince Kaylee dated Charm, naging madalang na din yung pagsama non sa mga ganito. Tapos si Tris naman ay madalas wala sa kanila. Kaya nga hindi ko na din sila madalas niyayaya.
It's either I'll go alone or I'll drag Akira with me.
"Don't be disheartened." natatawang pang-aasar pa nito. "Sa tagal ko na dito sa kumpanya, at ilang libong ulit man padalhan ng imbitasyon ng boss natin yung painter mo, hindi talaga pumupunta yon. Siguro ganoon talaga pag sikat. Walang oras sa ganito."
Hindi ako umimik. I don't even think that Akira is thinking that she's popular enough to decline the invitation. Sigurado ako na ayaw lang nitong makihalubilo sa iba. O kaya naman ay tinatamad lang ito.
If there's something I've learned about that woman, it's her disinterest in attending social gatherings and being in a crowded place. Not because she's a snob, but because she's somewhat a social inept.
BINABASA MO ANG
YuanFen
RomanceWhat we have is just now. As long as she loves me. As long as she wants to be with me. As long as there is 'we'. I love her! But the rainbow is not just a blend of vibrant and bright colors. It doesn't even stay for a long period of time-- just eno...