Elise
"Great!" Mahinang mura ko habang tinatapik ng paulit ulit yung noo. Nakailang hanap na ako sa bag ko at sa lahat ng bulsa ng suot kong jeans pero hindi ko talaga mahanap yung wallet ko.
"Uhm.."
I stared blankly at the waiter who had been standing for almost half an hour habang hinahanap ko yung wallet ko.
Dahil nga sa kamamadali ko kanina ay hindi na ako nakapagbreakfast sa bahay. At dahil kailangan ko din ng lugar kung saan ako pwede maglabas ng laptop dahil may tinatapos akong write-ups na deadline ngayong araw, kahit pa di na kakayanin ng budget ko ay mas pinili ko na nga na kumain dito sa malapit na café.
I was busy doing my errands and was about to go nang mapansin ko na wala nga sa loob ng bag ko yung wallet ko. Samantalang siguradong sigurado ako na isinuksok ko iyon kasama ng house keys bago ako umalis ng bahay kanina. Yung susi ng bahay ay nasa loob ng bag pero yung wallet ko, wala na. May laslas pa iyon sa ilalim. Indikasyon na nadukutan nga ako.
Ang masaklap pa, yung phone ko na sigurado akong nasa bulsa lang ng pantalon ko kanina ay wala na din. At hindi ko alam kung kailan ako nasalisihan.
"Do you do bank transfer?" Nahihiyang tanong ko dito habang nakatitig sa nakatiklop kong laptop. "I'm really sorry but I think I lost my stuffs."
Alanganin na ngumiti yung waiter bago ito nagpaalam saglit dahil tatawagin lang daw nito yung manager ng restaurant para alamin kung kaya bang gawan ng paraan na makapagbayad ako kahit bank transfer na lang.
This is so humiliating.
Tiyak na kung makakarating lang ito sa kaalaman ni Elle, siguradong itatakwil akong pinsan ng babaeng iyon.
Nanghihinang napaupo ako ulit sa upuan at agad na hinablot yung baso ng tubig sa ibabaw ng mesa.
Isang linggo pa lang akong namumuhay mag-isa pero pakiramdam ko isang taon na ng lifespan ko yung nababawas.
I can't sleep at night. Masyadong mainit sa loob ng bahay kahit hindi naman ako nagluluto doon. Yung desk fan ay hindi sapat para palamigin yung buong kwarto. At hindi ko naman magawang buksan yung bintana dahil noong ginawa ko iyon ng isang beses, ay puro kagat ng lamok lang ang inabot ko. Dapat ko pa yatang palagyan iyon ng screen. Kaso hindi pa kaya ng budget ko.
Isa pa ay yung mga ingay ng mga tao sa kalsada. Dahil nga tabing kalsada yung bahay, dinig na dinig ko pa yung mga ingay ng mga sasakyan na akala mo naman napakaimportanteng mga tao na panay ang busina.
Hindi din nakakatulong na puyat ako sa gabi dahil sa mga hinahabol kong write-ups na hindi ko magawa sa umaga dahil nga may charity ako. Sa tuwing pipilitin ko naman matulog sa bakanteng oras ko sa umaga ay magigising lang ako sa ingay ng mga kapitbahay sa labas. Kung hindi walang katapusang ingay ng mga nagbibingo, ingay naman ng mga batang sanay na sanay yatang makipaghabulan kahit pa sa gitna ng kalsada.
Tapos heto nga, nawalan pa ako ng wallet at nadukutan ng phone.
Fucks! Why is it so hard for them to play fair and square?
Paano na ako sa mga susunod na araw? Mangungutang na ba ako ulit sa parents ko at sasabihin ko na hindi ko pala talaga kayang mabuhay ng mag-isa?
Urgh! Hindi pwede! Pag ginawa ko iyon, katakot takot na insulto lang yung tatanggapin ko sa gagong Akira na iyon. Para ko na din inamin yung pagkatalo ko.
Sa isiping iyon ay tuluyang isinubsob ko na lang yung mukha ko sa mesa. Hindi ko na alam kung paano ko pa kakapalan yung mukha ko.
Dinig ko yung marahas na pagbukas ng pintuan ng café pati na din yung alanganin na pagbati ng guard sa kung sinuman na pumasok. Pero wala sa kasalukuyan yung isip ko ngayon.
BINABASA MO ANG
YuanFen
RomanceWhat we have is just now. As long as she loves me. As long as she wants to be with me. As long as there is 'we'. I love her! But the rainbow is not just a blend of vibrant and bright colors. It doesn't even stay for a long period of time-- just eno...