Chapter 13

1.7K 155 41
                                    

Elise

Come to my place. Let me make it up to you too.

-Akira

Ilang minuto akong nakatitig sa message na yon from Aki bago dumako sa dami ng paperworks na nasa ibabaw ng table ko. Tinatamad na napasandal na lang ako sa backrest ng inuupuan ko. Ang dami kong deadline ngayon at kailangan tapusin.

But Aki's invitation to come over is too tempting right now.

Noong nakaraan kasing nagpunta ako sa bahay nito, the dinner went well. Actually, too good that we decided to exchanged numbers para pag trip daw nito na alukin akong maging part-time cook nito ay tatawagan na lang ako. Syempre pumayag din ako basta babayaran nya ko.

But reading the message on the screen of my phone made me think twice.

Plano ba akong pag lutuin nito ngayon? Kasi kung oo, madami akong trabahong kailangan tapusin kesa maging part-time cook nito.

Tch!

Naiinis na ibinaba ko yung phone ko sa ibabaw ng mesa at pinilit na ituon lahat ng atensyon sa tinatapos kong trabaho.

Kung iisipin ko ngayon si Akira ay siguradong wala akong matatapos. I am not like her who is only working on her own whims. I am being paid on the clock. So, I cannot allow these intrusive thoughts to get ahold of me.

Right.

As I am already drifting off my workload, I heard another buzz on my phone again. Thinking that it is just Aki, hinayaan ko lang iyon.

My other friends naman are not the text-type person. If they need anything from me, they'll just call. Alam kasi ng mga iyon na bihira ako magbasa ng text messages or chats. Unless if they have already tried calling me and I wasn't able to pick it up. Saka lang sila nagtetext or nagchachat. Kaya sigurado ako na si Akira lang yon. Mamaya ko na ito rereplyan. Mahirap na. Baka malibang ako sa pakikipag-usap dito at wala na naman akong matapos.

I continued typing on my laptop. I'm working on an article about a sensitive topic about bills and whatnot. I am trying to weigh the pros and cons of those projects should the parties involved decide whether to push or just pull it. I want to educate readers how that thing could create a big impact in the current state of the economy and the people who will be directly affected. Whether it's good or bad, it's up to the readers to decide.

And I am really trying not to be bias in both sides. Kasi siguradong ibabasura na naman ng editor yung ipapasa ko pag nakita na subjective iyon kesa informative.

We don't write to persuade people nor just to create a steam. We really want to educate people and to let them decide whatever is good for them and what's not.

Ganoon naman talaga di ba? People always have choices. They just need to exhaust whatever suits them. Ang hirap kasi minsan sa mga tao, nauuna na yung pagiging negatibo gayung wala pa ngang nasisimulan.

And to be honest, living in a not so good area na malayo sa kinalakihan ko, doon ko nakikita yung pagkakaiba ng mindset ng mga taong meron sa wala.

Sa amin kasi sa bahay, kapag may plano ako o naiisip na paraan para magkaroon ng pagkakakitaan para sa mga charity projects ko, my whole family are too supportive. Magsusuhestiyon pa nga ang mga iyon ng pwede kong idagdag sa plano. Kahit nga yung kambal ay nagboboluntaryo pa na tumulong sa pagpapack ng mga goodies na ipapamigay ko.

Samantalang sa tinitirhan ko ngayon, panay negatibo yung naririnig ko. Gaya na lang kanina, may estudyanteng nag-aabang ng masasakyan para pumasok sa eskwela. Samantalang yung mga tambay na nandon sa kanto ay kinakantyawan lang ito na nag-aaral pa para maging tambay lang din naman pag nakapagtapos. Mas mabuti pa daw na itagay na lang nito iyon dahil ganoon lang din naman ang ginagawa ng mga kabataan ngayon. Wala na daw pag-asang makaahon sa hirap ang mga gaya nila unless manalo sa lotto. Imbes na suportahan nila yung tao sa mga pangarap niyon.

YuanFenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon