Simula

14.6K 264 36
                                    

Simula

"ANAK SI JAKE nga pala," Pagpapakilala ni Mama kaya nagulat ako. "Jake.. si Andrei, anak ko." Dugtong niya.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Wala naman kasing binanggit si mama na may darating na bisita. Sa magkahawak palang na kamay nila ay alam ko ng may namamagitan sa kanila.

"Ah. Hi. Andrei" Magiliw na wika ni Jake sabay abot ng kamay sa akin. Tiningnan ko muna iyon bago kinuha at nakipagkamay. Pinasadahan niya pa ako ng mainit na tingin mula ulo hanggang paa. Malikling short at tanging sando lang ang suot ko dahil nasa bahay naman, tapos sobrang init pa. Naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil kaya mabilis na winaksi ko ang aking kamay.

"'Ma, sa taas lang po ako. May gagawin pa kasi ako eh!" Pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanila bago naglakad paalis. Nasa gitnang baitang palang ako ng hagdan nang matigil ako sa paglalakad dahil narinig kong magsalita si Mama.

"Pagpasensyahan muna Jake iyong anak ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang tungkol sa atin. Nabigla ko ata siya." Ani ni Mama.

"Okay lang, Rein. I understand him." Sagot naman ni Jake.

Hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap nila. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sabay lock ng pinto nang makapasok sa kwarto.

Gwapo si Jake lalo't matangkad, maputi, malaki ang pangangatawan at halatang may pera, pero iniisip ko pa rin si Papa. Malapit na rin pala ang kanyang kaarawan. Kailan nga ba ako huling nakadalaw sa kanya? Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.

Namatay si Papa sa isang aksidente. Nagtatrabaho siya bilang construction worker. Nahulog siya sa gusaling ipinapatayo. Nadala pa siya sa hospital ngunit dead on arrival na ito. May benepisyong nakuha kami sa pagkamatay ni Papa pero hindi iyon sapat. Sa pabrika ng mga junk food din nagtatrabaho si Mama kaya hindi iyon sumasapat lalo't maraming bayarin sabayan pa't baon kami sa utang.

Dalawang taon din ako natigil sa pag-aaral tapos nung mag-aaral na ulit ako ay naabot ko ang K-12, dapat ay first year college na sana ako ngayon.

Huminga ako nang malalim bago tumayo sabay kuha ng notebook. May recitation kami bukas sa Oral Communication. Tongue twisters iyon kaya kailangan ko maging preparado.

"Anak, kakain na tayo." Sigaw ni Mama sa labas ng pinto. Huminga ako ng malalim bago inayos ang sarili.

"Bababa na po." Wika ko.

Habang nasa hapagkainan ay naiilang ako sa titig ni Jake. Ramdam ko ang malagkit niyang tingin sa akin. Minsan nasasalubong ko pa iyon kaya napalunok at napapayuko na lang ako.

"Ilang taon kana, Andrei?" Tanong sa akin ni Jake kaya napatingin ako kay Mama na naghihintay rin sa aking sagot.

"Nineteen p-po." Tipid na sagot ko. Tumango tango pa siya. Ngumiti sa akin si Mama kaya ngumiti na rin ako ng pilit.

"Anak.. si Jake, nobyo ko." Pagpapakilala ulit ni Mama. "Sorry kung naglihim ako sa'yo. Natatakot kasi ako na baka hindi mo matanggap."

"A-ah, okay lang po sa akin, Ma." Sagot ko.

Kung dito masaya si Mama ay bakit ko siya hahadlangan? Ilang taon din siyang nagdusa. Ngayon ko na lang nakita ang abot langit niyang saya.

"Maraming salamat, 'nak." Tugon niya.

Nalaman ko rin na twenty-nine palang si Jake. Nagtatrabaho siya sa isang kompanya. Hindi niya rin nabanggit kung ano ang posisyon niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan.

Ilang taon din pala ang agwat ni Mama sa kaniya. Marami pa kaming napag-usapan. Mabait naman si Jake, may pasalubong pa nga siya para sa akin. Mamaya ko na iyon bubuksan.

Napaubo ako nang maramdaman ko ang paa ni Jake na humahaplos sa aking binti paitaas sa ilalim ng mesa. Nasa harapan ko kasi sina Mama at Jake magkatabi, habang ako ay mag-isa lang.

"Okay ka lang anak?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. Nanunuyo ang lalamunan ko.

"O-opo, 'Ma. Okay lang po ako."

Masama ba ako kung sasabihin kong nakikiliti at nagustuhan ko ang ginagawa ni Jake?

I'm proud to say that I am gay. Hindi ako inosente. It is normal to feel your body on fire. Marami na akong napanood na pornograpiya lalo kung ito ay tungkol sa same sex scandal. Lagi rin akong updated sa mga kaganapan sa twitter at iba pang platform para sa kahalayan.

Aaminin kong wala pa akong experience pero I did self job.

"Ako na po maghuhugas, 'Ma. Pahinga na po kayo." Banggit ko nang matapos kaming kumain. Ngumiti si Mama sa akin bago sila naglakad sabay paitaas ni Jake.

Nilock ko muna ang gate sa labas bago nag-umpisang maghugas. Binabanlawan ko na ang mga pinggan nang may nararamdaman ako sa aking likod. May tumutusok sa aking pwetan at randam ko ang kaniyang katigasan.

"T-tito Jake." Mahinang impit ko. May pag-aatubili pa sa akin kung ano ang itatawag sa kanya.

Baka makita kami ni Mama.

Pinaharap niya ako sa kaniya. Basa pa ang kaniyang buhok na halatang kakatapos lang maligo. Napakagat ako ng labi nang pagkiskisin niya ang katigasaan sa akin. Umiinit ang aking pakiramdam.

Nagulat ako ng halikan niya ako. Napakapit ako nang mahigpit sa gilid ng lababo habang nakapikit ang mga mata. Naibuka ko ang aking bibig ng pisilin niya ang aking pwetan.

Ngayon lang ako nakaranas na mahalikan. Ganito pala ang pakiramdaman.

Sinabayan ko ang bawat halik niya sa akin. Nakakagat ko pa minsan ang kanyang labi. Nilalamon na ako ng tukso at init ng katawan.

Natigil lang kami ng nasagi ko ang baso at nahulog iyon sa sahig na naging sanhi ng ingay. Doon palang ako natauhan. Tinulak ko siya habang habol ang hininga. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa aking bibig.

"Ano iyon? Saan galing ang ingay na iyon? Parang may nabasag...." Napatalikod ako at hinanap ang walis at dustpan nang marinig at maaninag si Mama na pababa ng hagdan habang kumukusot ng mga mata. Nagising tuloy siya sa pagkakatulog.

"S-sorry, 'Ma. Hindi ko po sinasadya. Nagising pa tuloy kita." Mahinahong usal ko habang pinupulot ang nabasag na baso at nilalagay sa dustpan.

"Akala ko kung ano na. Ako na riyan, 'nak. Baka masugatan ka." Suhestiyon ni Mama.

"Kaya ko na po, 'Ma. Hindi pa nga rin tapos ako magbanlaw." Ani ko.

"Oh sige. Oh, Jake. Ano'ng nangyari sa labi mo?" Wika ni Mama kaya napalunok ako.

Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Nagkatinginan kami pareho ni tito Jake ngunit umiwas agad ako.

"A-ahh. Ano kasi.." Sabay kamot ng batok, nag-iisip ng dahilan bago ngumiti kay Mama. "Masyadong malakas ang pagsipilyo ko kanina kaya dumugo." Eksplenasyon ni tito Jake.

"Nako. Halika nga nang magamot iyan," Doon ako nakahinga ng maluwag. "Pagkatapos mo riyan anak ay matulog kana lalo't may pasok ka pa bukas."

Tumango ako bilang sagot sabay talikod para hindi niya mapansin ang labi ko rin. Sinulyapan pa ako ni tito Jake bago sumunod kay Mama. Tinapos ko na lang ang pagbabanlaw nang makaalis sila.

Mali ito. Maling mali ito pero bakit nasasarapan ako? Iba rin ang dinidikta ng aking katawan.

|HOT DREAMER|

ᴍʏ ɴᴀᴜɢʜᴛʏ ꜱᴛᴇᴘᴅᴀᴅ (ᴜɴᴅᴇʀ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon