Kabanata 9

7.2K 142 12
                                    

Kabanata 9

"BABE, LET ME do it for you." Wika ni tito Jake bago niya isuot ang seatbelt sa akin. Napalabi ako sa kilig na nararamdaman. Amoy na amoy ko ang pabango niyang nanunuot sa ilong. Nagulat pa ako ng mabilis na hinalikan niya ako sa labi. "What's with that look??" Aniya.

Umayos ako ng upo bago siya hinarap. "Hindi naman ako nabingi sa narinig ko tito Jake, right?" Tanong ko.

"You don't like to call you babe?" Seryuso niya akong tiningnan at parang binabasa ang aking kilos. Umiling ako bago yumuko at pinaglaruan ang mga daliri.

"A-ano kasi.." Hindi ko masabi ng tuwid ang gusto kong iparating.

"You are my boyfriend," Usal niya. Napakagat ako ng labi. "I know I didn't court you pero pwede naman kitang ligawan kahit tayo na diba?" Hinawakan niya ang aking baba sabay angat noon at pinaharap sa kaniya. Nasilayan ko ang ngiti sa kaniyang labi. "Nahihiya ka pa rin sa akin after all what we did. I already taste every part of your body." Panunukso niya sa akin kaya napamulahan ako.

"Hmm.." Tangong sagot ko.

"If you don't like to call you babe, what's your preferred, Andrei? Honey? Sweetpie? Sweetheart? Darling? or Baby?" Mas lalong uminit ang mukha ko. Narinig ko ang mumunti niya tawa bago ako hinalikan sa noo, ilong at labi. "You are so cute." 

"Gusto ko iyong una.." Asik ko. "Iyong b-babe." Dugtong ko.

"Okay, babe." Wika niya.

Ihahatid niya ako ngayon sa unibersidad tutal mamaya pa siya papasok sa trabaho. Habang nasa byahe ay hawak hawak niya ang aking kamay at minsan ay pinipisil ang aking hita. 

"Ano'ng oras kita susunduin?" Pagbabasag ng katahimikan ni tito Jake.

"A-ah. Ano kasi.. nagyaya iyong kaibigan ko na mag-inuman sa kanilang bahay after ng christmas party. Baka gabihan na ako tito Jake." Sagot ko. Nasabi ko na ito kay Mama at okay naman siya roon.

"Sinu-sino kasama ninyo?" Sinulyapan niya ako bago tinutok ulit sa daan ang atensyon.

"Kami kami lang na magkakaibigan." Sagot ko. Tumango tango siya.

"Susunduin pa rin kita. Pwede mo bang ibigay ang address ng kaibigan mo sa akin?" Tumango ako. Inabot niya sa akin ang phone niya at doon ko tinype sa notes iyong address ng bahay ni Christian.

"Hindi mo naman po kailangan sunduin ako tito Jake. Kaya ko naman umuwi." Ani ko. Sinulyapan niya ulit ako.

"I insisted. Hindi safe umuwi kapag gabi. Don't worry. I will not fetch you that early. I will wait for your text message. Remember to call, chat or message me. I will be sad if you forget, babe." Sinimangutan niya pa ako kaya natawa ako. 

"Hindi ko kakalimutan, promise." Wika ko.

Nang makarating sa unibersidad at maipark ang kotse ay pinigilan ko na siyang lumabas dahil pagbubuksan niya ako ng pinto. Kinuha ko sa backseat iyong chiffon cake at regalo para sa exchange gift. 

"Drive safely, babe. I love you." Mapang-akit na wika ko sabay halik sa kaniyang labi bago bumaba ng kotse. Naiwan siyang gulat na gulat ang ekspresyon kaya napangiti na lang ako. 

"I love you too.." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni tito Jake. Hindi pa naman ako nakakalayo sa kaniya.

Hindi makapaniwalang humarap ako sa kaniya at nakita ang kaniyang nakalabas na ulo sa bintana ng kotse. Sobrang lapad ng kaniyang ngiti sabay flying kiss pa. Napalinga ako sa paligid at napamulahan ng mukha ng may ibang estudyanteng nakarinig at nakakita.

Nakita ko na lang ang sarili kong nakatitig sa papalayong sasakyan ni tito Jake. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Grabe. Ang sweet nila. Ang guwapo nung guy."

ᴍʏ ɴᴀᴜɢʜᴛʏ ꜱᴛᴇᴘᴅᴀᴅ (ᴜɴᴅᴇʀ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon