A/N: Sabi ko, matatagalan bago ako makapag-update pero nag-iba ang ihip ng hangin. Mag-update po ako ngayon. Malapit na rin kasi matapos itong story. Ayon lang. Enjoy reading!!
Kabanata 22
"ANDREI, RIGHT?" Wika ni Kenneth habang may mapanuring nakatingin sa akin. Natamimi ako dahil sa kaniyang presensiya.
Sino ang hindi magugulat na ang isang famous content creator ay nasa harapan ko? Nang makabawi ay tumango ako sa kaniya sabay ngiti.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito. Sinusuri ang suot ko mula paa hanggang sa ulo. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ko alam pero parang may pangungutya.
"So, you are the one who basted my little brother!?" Hindi ako makapagsalita lalo sa paraan ng pananalita niya, mukhang naiirita. "He doesn't deserve a cheap like you. Look at yourself! Pathetic." Mas lalo akong hindi nakagalaw sa mga inusal nito.
Nawala iyong paghanga ko sa kaniya. Isa siya sa hinahangaan ko dahil sa mga content nito lalong lalo na sa pagmake up at pagiging cosplayer. Ganito pala ang totoo niyang pagkatao, mapanghusga sa kapwa. Ibang iba siya sa camera.
Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaniya at hindi na sumagot pero mukhang siya pa itong galit. Mukhang ako pa itong pinapalabas niyang mali.
"Stay away from my brother. Understood?" Pinupunto niya ay ang kapatid niyang si Kurt. "Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ng kapatid ko sa'yo." Tumawa pa siya ng nakakainsulto sa akin.
"Your beauty is just the tip of my finger, bitch. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nahumaling ang kapatid sa isang tulad mo." Naikuyom ko ang kamao ko sa galit.
Pinalampas ko kanina ang mga sinabi niya pero kung paulit ulit niya akong insultuhin ay hindi ko na mapapalampas. Hindi porke't mayaman siya, famous at maraming connection ay pwede niya na akong apak-apakan.
"Oh. Don't tell me you are going to punch me, bitch. Huwag mong subukan baka bumulagta ka sa kinatatayuan mo." Banta nito sa akin. Mas matangkad at malaki ang katawan niya sa akin pero hindi ako natatakot.
"Ano ba ang ginawa ko sa'yo, ha!?" Matapang na usal ko.
"Oh. Ang tapang," Sabay palakpak ng kamay. "Know your place, bitch. I am just protecting my little brother from a cheap and gold digger like you." Napapikit ako para pakalmahin ang sarili.
"Hindi ko talaga alam kung saan nagmumula iyang galit mo sa akin. Ayoko na sana patulan ang matandang kagaya mo pero sumusobra kana. To tell you this, hindi ako ang naghabol kay Kurt. Kasalanan ko bang nahumaling siya sa ganda ko?" Bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha. Magsasalita sana siya nang bigla ko siyang inunahan.
"Mas mabaho pa pala sa kanal ang ugali mo. Hinahangaan pa naman kita pero nagsisi ako. Pinagsisihan kong naging idolo kita. Ilang taon ka na nga?? Twenty-five? Pero iyang utak mo immature." Lalayasan ko na sana siya pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko sabay paharap sa kaniya.
"Saan mo ba nakukuha iyang tapang mo?? Isa ka lamang hampaslupa na hindi nababagay rito. May nakapasok na palang madumi rito. Umalis ka rito bago pa kita ipakaladkad sa security guard at ipatapon sa mga kauri mo." May panggigil na wika nito.
Tumawa ako na marahan para mas lalo siyang mainis. "Kauri?? Edi kung ganun sumama ka rin sa akin dahil magkauri tayo. Look at yourself, bitch. Hindi ba't pareho lang tayong bakla? Mas maganda nga lang ako sa'yo."
Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin. Nagdilim ang paningin ko kaya sinampal ko rin siya.
"How dare you!!!" Galit na hiyaw nito.

BINABASA MO ANG
ᴍʏ ɴᴀᴜɢʜᴛʏ ꜱᴛᴇᴘᴅᴀᴅ (ᴜɴᴅᴇʀ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ)
General Fiction"This story is not for everyone. I'm warning you not to proceed with reading if you can't handle the story's content. Again, do not read it. DO NOT!" MATURE CONTENT | SPG | R-18 STATUS: COMPLETED Synopsis (Edited): It all started when Andrei's mom...