Kabanata 7
"TITO JAKE, pinagtitinginan na tayo." Malumanay kong sambit. Naiilang kasi ako sa paraan ng pagtitig ng ibang tao sa amin. Ako rin ang nagtutulak ng cart dahil naggrocery kami, ngunit nasa likod ko siya at doon kinukulong ako gamit ang kaniyang mga bisig.
"Huwag mo silang pansinin." Sagot niya kaya napabuntong hininga ako. Nakakarinig na rin ako ng bulungan lalo iyong matatanda. They are judging and making fun of us. They even use the words of God.
Napansin at naramdaman siguro ni tito Jake ang pagkabalisa ko kaya hinay hinay siyang umalis at tumabi na lang sa akin.
"Sorry. I made you feel uncomfortable." Tiningnan ko siya at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata ngunit nagawa niya pa ring ngumiti.
"Hindi lang kasi ako sanay lalo't maraming matang nakamasid, tito Jake. Sorry." Wika ko.
"It's okay, at hindi mo kailangan huminga ng tawad, ako dapat. Masyado akong naging mabilis sa mga desisyon without asking your consent. I'm sorry if I made you feel uncomfortable." I nodded shyly while biting the lower lip.
Nang matapos sa pamimili ay dumeritso agad kami sa cashier. Maraming pila kaya natagalan kami bago nakapagbayad.
"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya sa akin nang mapansin niyang nakatitig ako sa mga batang lumabas ng ice cream parlor at nilalasap ang hawak hawak na ice cream habang naglalakad kami.
"A-ah. Huwag na tito Jake.." Nahihiyang usal ko.
"Wait me here." Aatumal pa sana ako kaso binaba niya na ang mga pinamili namin at pumasok sa ice cream parlor at doon pumila.
Marami rin kasing bumibili. Napangiti na lang ako nang sumulyap siya sa akin at ngumiti ng malapad. Ilang minuto rin ang kaniyang ginugol bago nakabili.
"Hindi kana po dapat nag-abalang bumili tito Jake, pero salamat dito." Usal ko pagkatapos niya eh abot sa akin ang ice cream. Kilalang kilala niya na talaga ako dahil alam niyang cookies and cream ang paborito ko.
"I am dating you, so I want to make you happy." Hindi ko masyadong narinig dahil sobrang hina ng kaniyang boses.
"P-po?" Ani ko.
"Wala. Ilagay ko lang itong pinamili natin sa kotse. Babalik ako." Ani niya.
"Tulungan na po kita, tito Jake." Pinigilan niya ako.
"Hintayin mo na lang ako rito. I'll be back, okay?" Tumango na lang ako bilang sagot sabay papak ng ice cream kaya natigilan siya sabay napalunok at mariing nakatitig sa labi ko. "Ang dungis mo kumain." Sabay punas niya sa gilid ng aking labi gamit ang daliri at dinilaan ang kaniyang daliri pagkatapos.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Mas lalo akong nagulat ng kumagat siya sa ice cream sabay kindat bago naglakad paalis.
My heart is beating so fast. Nagwawala iyon sa aking dibdib. I closed my eyes and breathed in and out to calm my heart. Nang kumalma ay luminga ako sa paligid. Naginhawaan ako dahil wala masyadong nakakita nun.
May nakita rin akong jewelry shop kaya naisipan kong pumasok kahit walang pambili. Hindi rin naman ako magtatagal at babalik agad sa pwesto kung saan ako pinahihintay ni tito Jake. Ngumiti sa akin si Kuyang guard kaya ngumiti rin ako bago pumasok.
"Bagay po iyan sa'yo, sir." Maligayang bati sa akin ng sales lady habang titig na titig ako sa isang gold necklace na may pendant na moon. Ngumiti ako sa kaniya. Tiningnan ko kung magkano at halos lumuwa na ang mata ko sa presyo. Nagtingin tingin pa ako bago nagpag-isipang lumabas. Ayokong magtagal doon lalo hindi naman ako bibili.
Sa paglabas ko ay nakita ko sa kalayuan si tito Jake na nakatingin sa pwestong pinag-iwanan niya sa akin. Halata ang kaniyang pagkabalisa dahil sobrang bilis ng kaniyang hakbang at lumilinga sa paligid. Nang makita niya ako ay doon lang ito nakahinga ng maluwag. Hinintay ko na lang siyang makalapit.
"Akala ko iniwan muna ako." Nahihimigan ko ang lungkot sa kaniyang boses.
"Sorry tito Jake." Wika ko habang may pagsisi dahil sa lungkot na bumalatay sa kaniyang mukha.
Napansin ko ang pagtingin niya sa loob ng jewelry shop kung saan ako galing kaya nakita ko ang sales lady na titig na titig sa aming dalawa, bago pinasadahan ako ni tito Jake ng tingin at may ngiti na sa labi kaya napataas ako ng kilay.
Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil sa biglaang pag-aliwalas ng kaniyang mukha. Hindi ko na lang iyon pinansin masyado.
"Nagugutom na ako. Kain muna tayo." Pag-aaya niya sabay hawak sa aking braso.
Nagulat ako ng malamang alas sais na pala ng gabi. Masyadong mabilis ang oras. Hindi ko napansin agad iyon.
Sa isang restaurant kami kumain. Nag-atumal pa ako dahil pwede naman kaming sa bahay na lang kumain. Masyadong mahal ang mga putahe rito.
"Say Ah." Wika niya habang nakatutok ang kutsara sa aking bibig. Wala akong nagawa kundi sundin siya. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Siya na rin nagslice ng aking steak at sinusubuan ako.
Hindi matawaran ang sayang nararamdaman ko ngayon. Tumatalon sa tuwa. Sinubuan ko rin siya at kitang kita ko ang maputi't pantay na pantay niyang ngipin.
"Thank you." Ani ko habang naglalakad kami papuntang parking lot. Kakatapos lang namin kumain. "Thank you sa pagsama sa akin at pagpaparamdam kung gaano ako ka-special, tito Jake." Ngumiti siya sa akin ng malapad.
"My pleasure, Andrei." Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse. Sa shotgun seat ako umupo habang nasa backseat ang mga pinamili namin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang okay ang kinalalagyan ng chiffon cake.
Habang nasa byahe ay hawak hawak ulit ni tito Jake ang kamay ko at pinaglalaruan iyon. Nakahiligan ko na iyon at nandoon ang kakaibang pakiramdam. Tumigil lang kami sa tapat ng convenience store. Bumaba si tito Jake at may binili roon.
"Umiinom ka ba ng alak, Andrei?" Tanong niya sabay abot sa akin ng isang supot at may lamang canned beer pagkabalik niya.
"A-ah opo." Tugon ko. Tumango tango siya. "Hindi pa ba tayo uuwi, tito Jake? Baka po kasi hinahanap na tayo ni Mama." Iba kasi itong tinatahak naming daan. Hindi ko alam ang direksyong ito kung saan.
"Nagpaalam na ako kay Rein na gagabihin tayo. She is okay with it, so you don't have to worry." Naginhawaan ako roon.
Ilang minuto ay tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid nang makababa kami. Malakas na hangin ang tumambad sa amin. May nakikita akong benches at may mga couple na naroon. Madilim din sa parteng ito.
Umupo kami sa isang bench habang dala dala ang supot na may lamang canned beer.
"Wow!" Manghang mangha ako dahil kitang kita rito ang buong city. Nasa tutok tutok pala kami kung saan tanaw ang buong city rito.
Kumukuti-kutitap pa sa liwanag dahil sa mga bahay na maraming palamuti. Damang dama na talaga ang pasko.
"Ang ganda." Rinig kong sambit ni tito Jake na nasa aking tabi kaya napatango tango ako habang nakangiti sabay tingin sa kaniya.
Napalunok at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makitang sa akin siya nakatitig. Iyong titig na nakakalusaw at nakakaakit.
"Ang ganda mo."
Itutuloy…
BINABASA MO ANG
ᴍʏ ɴᴀᴜɢʜᴛʏ ꜱᴛᴇᴘᴅᴀᴅ (ᴜɴᴅᴇʀ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ)
Fiction généraleMATURE CONTENT | SPG | R-18 STATUS: COMPLETED Synopsis (Edited): It all started when Andrei's mom introduced her new boyfriend, Jake to him. Andrei thought that life would go on normally, but he realized that living with him under one roof was tor...