Kabanata 17
MAS BINILISAN ko lalo ang pagtakbo ng makitang nakalabas si Mama sa gate. Inawat pa ako ng guard pero hindi ako nagpatinag. Binundol ko sila at hindi ko malaman kung saan nakuha ang ganoong lakas. Ang tanging gusto ko ay maabutan si Mama.
Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Paulit-ulit kong tinatawag si Mama ngunit parang bingi siya.
"'Ma!" Sigaw ko. Pumiyok pa ako dahil sa pagod. Kahit masakit ang tuhod at paa kakatakbo sabayan pa ng panlalabo ng paningin dahil sa luhang umaagos ay hindi ako tumigil hanggang sa maabutan ko siya.
Mabuti nasa pribado kaming village at wala masyadong dumaraan na sasakyan.
"'Ma.." Tawag ko ulit sa kaniya.
"S-sorry, anak.." Rinig kong sambit niya. Nasira na ang make up niya sa luhang patuloy na umaagos sa kaniyang mga mata.
Sobrang sakit makita ang magulang mong umiiyak. Hindi lang triple ang sakit na nararamdaman ko bagkus ay mas pa roon. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit-ulit hanggang sa maubusan ng dugo.
"'M-ma..." Nanginginig na usal ko dahil sa kakaiyak.
"S-sorry, anak.." Naguguluhan ako sa sinambit niya. "Dapat mas inuna kita kaysa sa kasiyahan ko. Ang tanga-tanga ko, mas inuna ko ang pansariling kaligayan ko at hindi ko na namamalayan na nawawalan na pala ako ng sapat na oras sa'yo." Umiling-iling ako.
"T-tama si Don Conrad. May napala pa ako kung ikaw ang prayoridad ko kaysa sa lalaki. Kaya naman kitang buhayin mag-isa pero ano ang ginawa ko? Naghanap ako ng makakatuwang tapos ganito lang pala ang kahahantungan." Puno ng pagsisi ang kaniyang boses. Mas lalo akong naiyak.
"U-uwi na tayo, 'nak." Suminok pa siya bago ako hinawakan sa braso. "Mahal na mahal kita, lagi mo iyan tatandaan." Dugtong niya. Hindi ko na napigilang mayakap siya ng mahigpit.
Dapat dinadamayan ko siya ngayon pero dumagdag pa ako. Hindi ko lang maawat ang pesteng luhang 'to. Naguguluhan na rin ako sa kung ano bang desisyon ang dapat kung gawin.
May tumigil na sasakyan sa tabi namin sabay bukas ng bintana at si tito Jake ang naroon. Kitang kita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata.
"Gusto na naming umuwi, tito Jake." Usal ko nang hindi umimik si Mama. Mabilis na lumabas si tito Jake sabay bukas ng pinto sa backseat. Umupo kami roon ni Mama habang si tito Jake ang nagdrive.
Sa byahe ay tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Nasa labas ng bintana nakatutok ang mga mata ni Mama, hindi alintana ang make up niyang kumalat sa kaniyang mukha.
Napadako ang mata ko sa rearview mirror at nakita ko si tito Jake na nakatingin din sa akin na parang may gustong sabihin bago tinutok ulit sa daan. Napayuko ako sabay laro ng mga daliri.
Parang ayoko na lang sabihin kay Mama ang relasyon namin ni tito Jake. Parang gusto ko na lang e sekreto ang lahat.
Nakarating kami sa bahay na walang imikan. Akala ko magkukulong si Mama sa kaniyang kuwarto pero nagulat ako ng bumaba ito ng makapagpalit habang may mga ngiti sa labi. Alam kong nagpapanggap lang siya.
"Nagugutom ka ba, anak? Ipagluluto kita." Hindi ako agad nakasagot dahil sa kaniyang tinuran. Kakatapos lang namin kumain pero bakit niya tinatanong ito sa akin?
"'Ma. Busog po ako."
"Baka may gusto kang ipabili o ipagawa." Niyakap ko siya kasi naninibago ako.
"Wala po, 'Ma. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Okay lang po ako. Pahinga ka muna, 'Ma." Hinatid ko siya sa kaniyang kuwarto at hindi ko siya iniwan hanggang sa makatulog. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na rin ako sa kaniyang tabi.
BINABASA MO ANG
ᴍʏ ɴᴀᴜɢʜᴛʏ ꜱᴛᴇᴘᴅᴀᴅ (ᴜɴᴅᴇʀ ʀᴇᴠɪꜱɪᴏɴ)
Fiksi UmumMATURE CONTENT | SPG | R-18 STATUS: COMPLETED Synopsis (Edited): It all started when Andrei's mom introduced her new boyfriend, Jake to him. Andrei thought that life would go on normally, but he realized that living with him under one roof was tor...