Prologue

60 3 2
                                    

"Put@ng!na ka.Bakit mo ginawa yun.Wala ka na bang hiya ha? Basta basta mo na lang ba gagawin yun?"

Halos lalabas na ako sa katawan ko habang sinisigawan siya.Nakatingin na sa amin ang mga estudyante.Nakakainis.

"Bakit? Ayaw mo? Tsk..pasalamat ka sayo na punta yun..Lahat magagawa ko kasi ako ang may ari ng school "

Aba! Ang yabang talaga niya.Parang bahay lang niya ang cafeteria nakapatong pa ang kanyang mga paa sa ibabaw ng mesa.Hindi porque sa kanya ang school na to gagawin na niya sa akin yun.Kumukulo na talaga ang dugo ko.

"Maghihiganti ako sayo." Saktong may dumaan na babae at may dalang buko shake.Agad kong hinablot iyon
at..

"How dare you!" napapunas siya sa kanyang mukha.Binuhusan ko siya ng shake.Bagay nga sa kanya yun.

"Yan lang ang kaya kong gawin sa ngayon.Babawi ako sa susunod na magkikita tayo"

Tumingin ako sa babaeng may ari ng juice.

"Miss bumili ka na lang ng bago..here" inabot ko sa kanya ang 100 pesos.

Bago ako umalis tiningnan ko muna siya ng masama at tinawanan.

"See you around" huling salita na sinabi ko sa kanya.

Tumalikod na ako at umalis sa cafeteria.

Hindi pa ako tapos sayo.Hindi pa sapat ang pagbuhos ko ng shake kulang pa yun.See you around Mr. Kristoph James Choi...

He stole my first kiss...

He stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon