Chapter 12

3 0 0
                                    


Note:

Walang kwentang update ni miss author. .pagpasensyahan po.

Krystal's POV

Sa wakas nakalabas na ako sa kulungan este sa hospital.Ang boring kaya dun pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maluwag dun kasi sarado lahat ng room kahit isang bintana wala.Namiss ko tuloy yung hangin sa labas.Namiss ko din ang maglakad lakad.Ikaw kaya ang mahospital tapos dalawang araw kang nakahiga sino ang hindi mangangalay sa kakahiga.

Heto ako ngayon nakatunganga sa garden namin.Hindi pa kasi ako pinapasok ni Ate ayaw niya akong payagan.Ang lakas lakas ko na kaya.Kaso naiinis ako kasi parati nila akong pinapainom ng tubig.Laman ng tyan ko puro tubig na lang baka ma dehydrate daw ulit ako.

Nagpapahangin lang ako dito kasama ang aso namin.Si Hersheys lang kasi ang kasama ko ngayon.Wala Sina Ate, Kuya at Nika may pasok sila.

"Haaay!! Ang boring naman dito Hersheys" sigaw ko.

"Arf" tahol ni Hersheys.

"Ano bang magandang gawin ngayon? Ah alam ko na maglakad lakad na lang tayo Hersheys para hindi ako maboring"

Kinuha ko yung tali ni Hersheys. Lumabas na kami ng bahay.Malaki ang village na to kaya madaming mapapasyalan.Naglakad lakad lang kami ni Hersheys nag papasound trip din ako.

"Hmmmm...hmm" humming ko.

Napahinto ako sa isang playground medyo luma na ito.Parang familiar sa akin ang playgroud na to. Kunti lang ang naglalaro na mga bata.Naglakad ako papunta sa swing malapit sa malaking puno.

Tinali ko muna si Hersheys at umupo sa swing.Nag-isip ako dahil familiar talaga ang playground na to sa akin.Nag biglang may pumasok sa isipan ko.

Normal pov
Flashback (10 years ago)

"Krystal wag ka ng malungkot.Aalis na nga ako malulungkot ka pa.Smile na"

Sabi ng batang lalaki.Pinilit niyang pasayahin ang batang babae para mawala ang lungkot sa mukha nito.Ayaw kasing makita ng batang lalaki ang batang babae na nalulungkot.

"Nalulungkot na kasi ako eh.Pwede bang wag ka ng umalis? Paano na ako pag iniwan mo ako? Wala na akong kalaro."

Nakangusong sagot nito.

"Haist..ikaw talaga.Alam mo ba na ayaw kitang makita na nalulungkot? Kasi pati ako nalulungkot na din.Smile kana please"

Kiniliti ng batang lalaki ang batang babae.

"Hahaha...tama na...Denver na kikiliti ako..hahaha..oo na ngingiti na ako"

Si Denver ang batang lalaki at ang batang babae ay si Krystal.Matalik silang magkaibigan.Tumigil naman sa pagkiliti si Denver ng marining niya ang sinabi ni Krystal.Ngumiti naman ng malapad si Krystal.Nakaupo sila sa swing na magkahawak ang kamay.Para silang lovebirds tignan kahit na bata pa lang sila.

"Sa lugar na ito una kitang nakilala Krystal. Kaya sana pagbalik ko nandito ka nakaupo sa swing at hinihintay ako"

Sabi ni Denver kay Krystal.

"Sana pagdating mo magiging girlfriend mo na ako"

Nahihiyang sabi ni Krystal dahilan para mamula ang kanyang pisngi.Tinawanan lang siya ni Denver ng mahina.

"Sabi mo ha? Magiging girlfriend kita pagbalik mo at ako ang magiging boyfriend mo.Gusto ko dito mo ako sasagutin pag magiging tayo na."

Ngumiti ng malapad si Krystal na abot langit.

"Pano kung makalimutan mo ako? Pati yung pangako natin?"

Napalitan ito ng lungkot ang saya.

"Alam ko na para hindi kita makalimutan at hindi mo din ako makalimutan i-uukit ko sa puno ang pangalan natin."

Tumayo sila at lumapit sa malaking puno.Kumuha ng matalim na bato si Denver  at ginamit ito.Umukit muna siya ng malaking puso at doon sa loob ng malaking puso inukit niya ang pangalan niya at ang pangalan ni Krystal .Katabi nito inukit niya ang....

D ♡ K

"Ayan tapos na habang buhay yang nakaukit sa puno.Hinding hindi iyon mabubura"

"Mamimiss kita Denver" sabi ni Krystal

"I won't miss you because you're always in my heart"

Nakaturo pa siya sa kanyang dibdib kung saan nakapwesto ang kanyang puso.Hinatak niya si Krystal at niyakap ng mahigpit.Niyakap din ng mahigpit ni Krystal si Denver.

&*End of  flashback&*

Napabuntog hininga ako ng malalim mas malalim pa sa  dagat.Joke lang.Ilang taon na pero hindi pa din siya bumabalik.Nakalimutan na yata niya ako.Syempre ilang taon na kayang hindi kami ng kikita.Siguro na kalimutan na niya ako pati yung pangako namin na magiging 'kami'.

Pero wala pa din kahit anino niya hindi ko pa nakikita.May syota na siguro yun.Pero ang puno na  pinagukitan niya ay nakatayo pa din at matibay pa.Nakaukit pa din ang mga sinulat niya kahit na ang....

D ♡ K.

Nakaramdam ako ng pagpatak ng tubig galing sa mata ko.Pero ngumiti lang ako.Siguro puppy love ko lang si Denver.Kahit hanapin ko man siya wala din akong mapapala dahil nagka amnesia nga siya diba?.

- - - - - - - - - - # # # # # # - - - - - - - - - - - - - - -

Next UD? Wait......

Pasensya sa late update.

Parang wala ng nagbabasa sa story ko....kaiyak :'( :'( :'(

Corny ng update ko.hahahahaha

He stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon