Chapter 9

5 0 0
                                    

Krystal's POV

"IBALIK MO YUNG CELLPHONE KO KUNG AYAW MO SAPAKIN KITA"

Buong lakas kung sigaw sa kanya.Sino pa ba ang kinaiinisan ko sa lahat si the great Kristopher.

Ganito kasi yun.Naglalakad ako papunta sa college builing may ka text kasi ako.Ang katext ko si JUSTINE.Hiningi kasi niya yung bagong no. ko kaya buong gabi kaming magkatext.Nagtatanong kasi siya sa akin kung nasa school na ako.Kaya yung atensyon ko nasa cellphone lang nakafucos kaya hindi ko alam na nabanggan ko si the great Kristoph.
Eh kinikilig ako sa tuwing binabasa yung text ni Justine kaya hindi ko alam na nabangga ko siya.Nagsorry na nga ako sa kanya pero hindi niya tinanggap.Hindi naman tumatanggap ng sorry si Kristoph eh siya pa ma pride kaya yun.

Kaya heto habol ako ng habol sa kanya.Hinihingal na nga ako eh.Napahiya pa ako kaina sa.Badtrip kasi siya kanina kaya nadagdagan ko ayun halos sapakin niya ako.Hay pano ko ba to makukuha ang cellphone. Madami na siguro yung text ni Justine.Kahit lumuhod ako sa harapan niya hindi siguro yun tatabla.

"Oh! Pagod kana.?"

Nakakaasar na tono ang pagkasabi niya.Eh sino ba naman ang hindi mapagod sa kakahabol sa kanya para makuha lang yung cellphone ko.Ang dami ko ng nabangga sa kakatakbo.Napaupo ako sa bench.Nakaabot na kami sa big field sa kakahabol ko sa kanya.

"P-pwede ba ibalik.....mo na yung.....cellphone ko"

Hay jusko.Nawawalan na ako ng hangin.Ayoko na tumakbo pero kailangan ko kunin yung cellphone ko.

Pagkatapos ko magpahinga tumakbo ako at hinabol siya.Nilibot na namin yung big field sa kakahabulan lang.Tirik na tirik pa yung araw kaya pakiramdam ko na dehydrate na ako.Nauuhaw na din ako.Pero para sa cellphone ko kakayanin ko kahit tirik na tirik ang araw.Kailangan ko yun makuha yun lang ang pinakaimportanteng gadgets ko kahit may ipod at laptop ako.

"IBALIK MO YAN"

Alam ko na pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam.I don't care bahala sila jan.Lumipat siya sa isang side ng daanan kaya lumipat din ako pero....

*****ppppeeeeepppp*****

Nagbiglang may bumusina na sasakyan.Kaya napalingon ako.Omo.katapusan ko na ba? Nooooo....Napahinto ako at napaupo sa daanan.Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.

Oh! Panginoon kung sakasakali mang mamatay ako sana patawarin mo ako sa mga kasalanan ko.Alam kong mapapa aga ang pagkikita namin ni San Pedro sana mapatawad nyo po ako.Kung naging matakaw man ako sa chocolates sorry na.Wag mo sanang pabayaan ang pamilya ko pati na si Justine.Sana bago ako mamatay makita ko man lang si Justine.Kahit kung sulyap lang ng mukha niya bago nyo ako kunin.Kailangan ko munang makita si Justine.Lord kung sakaling hindi man ako pumunta sa langit sana ma bantayan mo si Denver kagit hindi ko pa siya nakikita.Madami pa akong sasabihin pero hanggang dito na lang.....Paalam.

Hinintay ko na may bumangga sa akin pero wala.Minulat ko ang mga mata ko.Medyo malapit na ang sasakyan sa akin at mababanggan na ako.Jusko akala ko katapusan ko na.OA ko talaga.Bumilis ang takbo ng puso ko.

"Hoy! Miss hindi playground ang daanan para magtakbo ka" sigaw ng driver.

Bigla akong naghihinaParang nanginginig ang aking katawan.May nag flash back sa isipan ko.Ayokong maalala yun dahil dun ako nagkatrauma.Ang trauma na yun ang sitwasyon ko ngayon.

"S-sorry po" mahinang sabi ko.

Naghihina na talaga ako.Unti unting pumatak ang mga luha ko.Naninikip din ang dibdib ko.Parang anytime babagsa------

*blackout*

- - - - - - - - - - -

Omo anyare kay Krystal?

He stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon