chapter 1

31 0 0
                                    

Krystal's POV

"Hoy! Babae gising na jan may pasok kapa."

Nagising ako sa pagtulog ko ng hinampas ako ng unan.Aray naman ke aga aga hinahampas ako ng unan tsk.Diba pwedeng mag good morning na lang kesa sa hampasin ako ng unan.

"Oo na gigising na.Ate naman oh"

Magkatabi kasi kami ni ate kasi pinapagawa pa niya ang kanyang kwarto.7:30 ng umaga pa lang mamayang 8:30 pa ang pasok ko sa school.Napakamot na lang ako ng buhok ko at napahikab.Tinatamad na bumangon ako sa kama at pumunta ng cr para maligo.

Ako nga pala si Kate Krystal Jung.Nabubuhay sa ibabaw ng mundo.Isang pangkaraniwang dyosa sa ibabaw ng mundo.Iisang Kate Krystal Jung lang at wala ng iba.Pinadala sa lupa para mabuhay at maranasan ang maging masaya na tao...Hahaha..Over ko naman.

Pagkatapos ko gawin ang morning rituals inayos ko na ang gamit ko bago bumaba humarap muna ako sa salamin at inayos ang mahaba at makintab kong buhok.Naglagay lang ako ng hairclip at TADAH! Tapos na hindi na ako ng lagay ng make up.Hindi ko naman kasi kailangan yun.Simpleng naka jeans,converse at white t-shirt ang sout ko ngayon.Since first year college pa lang ako wala pa kaming required uniform.

Bumaba na ako at kumain ng breakfast kasama sina Mommy.Umupo na ako sa tabi ni Kuya Mike.Si Kuya Mike ang pinakamatandang kapatid ko.Siya ang pinakapoging kuya ko.22 years old pa lang si Kuya.Graduate na si Kuya sa kanyang course na engineering.

"Good morning princess" bati sa akin ni dady.

"Morning dad" nginitian ko lang si Dad kasi kumakain pa kami.

"Kamusta ang pag-aaral nyo?" Tanong ni Mommy.

Minsan lang kasi kami magkakasama sa hapagkainan kasi busy minsan sina mommy.3 times a week lang kami nagsasama.

"Okay naman po" sabat ni ate

"Si Nika po nasan?" Tanong ko kay ate.

"Natutulog pa eh.Napuyat sa party nila kahapon"

Si Nika ang aming bunsong kapatid.Apat kaming magkakapatid ika-tatlo ako sa amin.

Pagkatapos namin kumain nagpaalam na kami kina Mommy at Daddy.Hindi na din kasi sila nagtagal kasi may business trip sila sa Canada,next week na naman kami magkikita.Nalulungkot nga ako eh kasi minsan na lang kami nagkikita di tulad nag dati nung hindi pa namatay ang aming lola.

Sumakay na kami sa van kasama ko sina ate at kuya.Iisang school lang kasi kaming pinapasokan.4th year college si ate,ako naman 1st year college at ang bunso namin na si Nika ay Grade 3 pa lang.

"Ate kailan ba balik nina Dady? Makabalik kaya sila next week?"

"Hindi ako sure may sunod sunod pa kasing urgent meeting na kailangan nilang ayusin.Tapos may meeting pa sila sa New York .Bakit mo naman na tanong?"

"Wala lang"

"Ah..Krys.Alam na nina dad na nililigawan ako ni Kevin."

"Talaga ate? Ano naman ang sinabi ni Dady?"

"Ayun okay naman daw sila kay Kevin basta mag aral na lang ako ng mabuti"

"Tsk...push mo yan ate wag mo sanang pahirapan si Kuya Kevin sa pagligaw sayo.Sagutin mo na"

May sinabi pa si ate pero hindi ko na yun narinig kasi naglagay na ako ng earphones sa tenga ko.

Si Kuya Kevin ang manliligaw ni Ate.2 years na siyang nililigawan ni Kuya Kevin at ngayon lang niya pinaalam kay Dady


Nagscan ako ng bagong post sa IG at bigla kong nahagip ang isang post.

Galing kay KrisJamesss__C

Caption: with the lovely girl.

Hay naku may bagong babae na naman si Kristoph .Ang nag iisang casanova/masungit/feelingero/mayabang/etc. KRISTOPH JAMES CHOI ang pinakaiinisan ko sa school.Ang yabang kasi.

"Uy diba si Kristoph yan yung anak ni Mr Choi na may ari ng school department nyo?" Singgit ni Ate.

"Yup"

"Babaero pala yan.Alam mo nakita ko na siya dati nung sumama ako kina Dad sa meeting niya kasama yung Tatay ni Kristoph.Di halata sa mukha niya na babaero"

"So,what do you mean ate?"

"Ang gwapo niya kasi"

" 'tong mukhang to gwapo?Tsk oo gwapo pero sayang lang kasi sikat tong Casanova sa school ate."

- - ° ° ° ° ° ° ° - -

More readers pls.

He stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon