Chapter 8

5 0 0
                                    

Krystal's POV

"OH! SHUT UP ."

Ang aga aga nagsisigaw ang lolo niyo.Ewan ko ba kung bakit siya ang iinit ng ulo ng lolo niyo.Naglalakad kasi ako papunta sa college building ng madaanan ko si Kristoph kasama ang girl niya.

"BUT I REALLY LIKE YOU KRIS.!!"

"HINDI NA NGA KITA GUSTO DIBA! I HAVE MY NEW GIRLFRIEND SO BETTER BACK OFF"

Sigaw ni Kristoph sa babae.Ganyan ba siya makipagbreak up sa kanyang mga babae? Sigawan pwede namang mahina lang yung boses hindi yung naririning ng ibang tao.Hindi na talaga sila nahihiya.

"Fine...Kung yan ang gusto ko.Susundin kita pero gaganti ako sayo"

Medyo na kita ko ang mukha ng babae nakatalikod kasi yung babae kanina.Si Veronica pala ang sikat na model ng school namin.Ganyan ba siya ka desperada para hindi siya hiwalayan ni Kris ...Hay naku maghanap kaya siya ng iba.Ang daming lalaki sa mundo hindi lang si Kristopher ang lalaking nabubuhay sa mundong ito.Magising sana siya sa katutuhanan.

Hinayaan ko na lang sila.Nagmistulang chismosa pa ako pagnakita nila ako.Tumungo na lang ako ng college building. Nasa daanan pa lang ako ng may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa humawak sa braso ko.

"OH! Justine may kailangan ka?"

"Punta ka ng college building? " tanong niya

"Oo.Sabay na tayo."

Nauna pa siya sa paglakad sa akin.Hinabol ko siya at sabay na kaming pumunta sa college. Mag-isa lang kasi ako wala pa sina Jess at Wyne.Naka-akbay si Justine sa akin kaya sobrang lapit na niya sa akin.Amoy na amoy ko ang pabango niya.Ang bango niya talaga tamang tama lang sa pangamoy.Hindi gaano ka tapang ang pabango niya kaya hindi ko mapigilan ang amuyin siya.

Mauubos na talaga ang pabango niya sa kakaamoy ko sa kanya.Isa din yun ang nagustuhan ko sa kanya.Kaya si heart lumulundang na sa kakakilig.Kulang na lang eh lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kilig.

"EHEM!.Baka maubos ang pabango ko"

Napatigil ako sa pagamoy ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"H-hindi kita I-inaamoy noh"

Tumawa lang siya ng mahina.Hinapas ko siya sa kanyang braso pero mahina lang.Nakarating na kami sa room ko.Hindi kami magkaklase ngayon iba yung schedule niya.

"Bye Justine kita na lang tayo mamaya" paalam ko sa kanya.

"Bye Krystal" papasok na sana ako ng tinawag ulit ako ni Justine.

"Ah..Krystal"

Tumungin ako sa kanya.

"Oh! Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pwede ba kitang yayain mag lunch mamaya?"

Ayie...kinilig si Lola nyo.Syempre abot tenga ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Sige" nahihiyang sagot ko.

Shet feeling ko namumula ba ang pisngi ko sa sobrang kilig.Sasabog na ata ako sa kilig pinipigilan ko lang.Umalis na siya at ako naman ay pumasok sa room ko.Maguumpisa na kasi ang klase.

Patalon talon akong pumasok sa room namin.

//5 hours later.//

"Anong gusto mo kainin?" Tanong ni Justine sa akin.

Nasa cafeteria kasi kami ngayon.

"Kahit ano na lang jan basta masarap..Wala akong ganang kumain ng kanin."

"Sige" maikling sagot niya.

Iniwan ko muna siya kasi maghahanap ako ng maupuan namin.Madaming kumakain kasi sa cafeteria.Ay. kanina ko pa hindi nakikita ang dalawa kong magagaling na kaibigan saan kaya sila ng punta.Bahala sila jan sa buhay nila basta ako kasama ko ngayon si Justine.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na siya.Pangdalawang upuan lang ang nahanap ko.Kaya walang epal kung sakali man.

"Kain ka ng kain ha."

Agad ko nang inumpisahan ang pagkain.Gutom na kasi ako.12:30 na natapos yung klase ko.Nakakahiya nga eh naghintay pa si Justine.Eh pano ba ang tagal maglecture ng teacher namin na matanda.

"Hmmm.Justine sorry kung pinaghintay kita kanina ah."

"Wala yun basta kasama na kita kumain ngayon"

Ayiie...omo namumula na naman ako.Ano bayan..Tama na Justine.

Subo ako ng subo ng carbonara.Eh sa gutom ako eh.Wala kang magagawa.Pakiramdam ko nakatingin si Justine sa akin kaya napahinto ako sa pagkain.

"Ang cute mo" nakangiting sabi niya.

Ah...Namumula na talaga ako promise.

"Ang pula ng pisngi ko.May mas mapula pa ba jan?"

Omo bakit natutunaw ako sa ngiti niya.Pakiramdam ko tuloy nilalagnat ako sa sinabi niya.Cute daw ako.

Waaah! Sinabihan ako ni crush na cute.Ok kalma lang Krystal baka magwala ka sa cafeteria sa sobrabg kilig.

"Ah.hihihihi" tumawa lang ako ng mahina.

Kumain lang kami ng kumain.Nabusong nga ako eh.Libre kasi niya ang lunch.

"Punta lang ako ng cr ha" paalam ko sa kanya.

Pagdating ko ng cr ang pumasok na agad ako sa cubicle para gawin ang dapat gawin.Pag katapos ko magcr nag hugas muna ako ng kamay.

Biglang ng vibrate ang cp ko.

From: Justine

Krystal hintayin kita sa labas ah.

Nag text back ako.

To: Justine

Ok.♡♡

Na send ko na ang message.

Bumili muna ako ng tubig bago lumabas ng cafeteria nauuhaw kasi ako.Paglabas ko nasa bench siya nakaupo at nakikinig ng music.

"Uy!" Siniko ko siya sa kanyang tagiliran.

"Oh! Tara na?"

Puro kilig ang naranasan ko ngayong araw.Kasi kasama ko si Justine walang asungot na umeepal sa amin.Pag may vacant ako pinupuntahan niya ako.Nakakakilig nga eh kasi kasama kami kanina umuwi.Nilibre pa niya ako ng chocolates at ice cream.Hinatid pa niya ako sa bahay kanina.Akala nga ni Mommy manliligaw ko si Justine kaya tuwang tuwa siya.Umuwi kasi si Mommy nauna siya kay Daddy.Natatawa nga ako sa ekspresyon ni Mommy ng nalaman niya na hindi pala nanliligaw si Justine sa akin.
Ang sabi pa nga niya.

"Hay naku akala ko magkakalove life na ang anak ko. Magpapapyesta talaga ako sa village namin pag may nanliligaw na kay krystal." Nakanguso pa niyang sabi.

Hahahaha...Sana nga Mommy ligawan na ako ni Justine.Diba lahat tayo nangangarap na ligawan tayo ng ating crush.Sino ba naman ang aayaw pagniligawan ka ng crush mo.Pag ako ligawan ni Justine mag oo na ako agad agad. Oh! Edi wow ako na hahaha.

"Hoy! Bakit na ka ngiti ka jan ha?"

Halos na hulog ako sa kama ng magsalita si Ate.Nakapasok na pala siya sa kwarto ko.

"Ha? A-ah..w-wala.Anong kailangan mo ate?"

"Wala lang nakita kasi kitang nakangiti ng malapad.Halos ma punit na yung bibig mo sa kakangiti."

"Tsk..Ate naman"

"Tsss..."

Walk out na si Ate.Wait si ate kaya may boyfriend na? May nanliligaw na ba sa kanya? Ang ganda kaya ni Ate tapos wala siyang manliligaw.

Mind your own business krystal.

Ganyan ang isasagot ni Ate pag tinatanong ko siya about sa mga maliligaw niya.Mas mabuting matahimik na lang ako.Zipper your mouth Krystal.

Matutulog na ako.Kailangan ko ng beauty sleep para fresh at good looking ako bukas pag nakita ako ni Justine.

- - - - - - * * * * * * - - - - - -

Pls. Continue Reading

He stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon