August 2

11 1 0
                                    

Interesting scene.
-

Nasa harap ulit ako ng Zeiiku University. Hindi ko naman talaga pangarap na pumasok dito, kung tutuusin ay kayang kaya kong pumasok dito as easy as one two three. Pero ayoko, dahil ayokong ako ang hawak nila sa leeg, ayokong may mas nakakaangat sa akin kaya kailangan kong magsiguro. Kailangan kong makuha ang eskwelahang ito agad para makapasok.

"Grow up bro! Hindi ka nya mapapansin! Dude stop making yourself a fool. She'll never notice you!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. May nakaharang na malaking bato kaya hindi ko makita pero pinagpatuloy ko ang pakikinig.

"No bro. I'm the school prince so I know, I know she will notice me." Sagot ng lalake. Parang alam ko kung sino ang dalawang ito dahil alam kong narinig ko na ang mga boses nila.

"Wake up Chase! 6 years had already passed and yet you're still like invisible to her. Please wake up in reality!" Nakahanap ako ng pwesto kung saan kitang-kita ko silang dalawa na nagsasagutan. Tama ang hinala ko si Chase nga at yung lalake kahapon ang nag sisigawan.

Nakita kong hinawakan nung lalake si Chase sa magkabilaang balikat nito at inalog na para bang ginigising ito.

"Nahihibang ka na Chase! Pare, marami pang iba dyan!" Patuloy nung isa.

Napaatras ako sa bigla ng dahil sa nakita ko. Tinulak ni Chase ang lalake agad akong lumapit sa lalake at tinulungan itong tumayo. Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko, ni miski ako ay nagulat dahil naggawa kong lumapit sa kanilang dalawa mula sa kinatatayuan ko kanina, hindi ko alam kung paano ako nakatalon papasok ng school ground nila, dahil ang pwestong kinatatayuan ko kanina ay mataas ang lebel mula rito.

"Ah mi-miss?" Tumingin ako sa kanya at napatitig ng walang kamalay-malay.

Natigil lamang ako sa pinaggagawa ko nang magsalita ang lalaking nasa harapan namin. Si Chase.

"Bro. Kung hindi mo ako naiintindihan, lumayo ka na lang." Atsaka naglakad palayo.

Nilingon ko ang katabi ko at ngumiti. "Narinig ko ang lahat. Trust him. He's your mate."

"Ah sino ka nga pala? I'm Travis by the way." Inilahad nya sa akin ang kanang kamay nya.

Kinuha ko iyon at nakipagkamay sa kanya.

"Hey Travis." Binitawan ko ang paghawak sa kanya bago ipagpatuloy ang susunod na sasabihin. "I'm August."

-

AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon