School prince. My first task.
-Patuloy lang ako naglalakad pero patuloy rin nangungulit si Chase, yeah kasama ko sya ngayon at medyo kumportable na ako sa kanya, hindi kasi ako nakakaramdam ng awkwardness sa kanya at masaya naman sya kausap. Simula kahapon ay hindi nya ako tinigilan sa pangungulit, aaminin ko... I find it cute.
"Uyyy Kamiko, sabay tayo maglunch? My treat!" Sabay sundot nya sa tagiliran ko na ikinatili ko naman, hindi ako sanay sa ganitong set up, kahit si Kuya Alden hindi pa ako nasubukang hawakan o mangiliti man lang.
"Stop it Chase, ang kulit mo." Tinutulak ko sya palayo pero pilit syang lumalapit sa akin.
"Please, Chei? Sabay tayo maglunch. Ngayon lang naman eh." Napaisip ako, kung mas mapapalapit ako sa kanya mas mapapadali ang plano ko.
"Fine." Magkukunwari sana akong labag sa loob ko pero hindi natuloy nang makita ko nanaman ang ngiti nya.
"No, August... remember you're here as Ayeisha Chei." Bulong ko pero nakatitig pa rin sa lalaking nasa harap ko.
"Thank you Kamiko." Sambit nya habang nakangiti, sa ngiti nyang yon ay parang hinihigop ang kaluluwa ko, okay? where did that words came from? pero seriously speaking... his smile captivated me.
Nagngingitian kaming dalawa nang biglang may sumingit.
"I didn't knew you were this close?" Panira ni Travis ng moment. Pasimple ko syang inirapan, traitor.
"Travis, pare! Sabay kami ni Kamiko maglu-lunch! Buti na lang at second batch din ako kagaya nya, tulad kami ng schedule." Tuwang tuwang kwento ni Chase, hindi ko mapigilan ang sarili ko at ngumiti... Nakakahawa ang pagkamasayahin nya.
What the hell's happening to me?
"Anyway, Chase catch me up later. Classes are about to start. See ya." Tumingin ako kay Travis at nag-nod, he nodded back.
-The bell rang, isa isang nagsilabasan ang mga students, yung iba diretso canteen, yung iba sa library and anywhere else, who cares anyway?
Simula kahapon ay hindi ko na ulit nakita yung totoong Ayeisha, I didn't bother to look after her anyway, what's the purpose? Alam ko namang lalaban yun at handa na ako dun. Gagawa ba ako ng move kung hindi ako ready?
Hindi na ako nag-abalang ayusin ang sarili ko at naglakad na lang patungo sa pintuan, paglabas ko ay isang Chase Levi ang bumungad sakin.
"Excited?" pag-greet ko, he again flashed his smile pero iniwas ko agad ang mata ko. This isn't right.
"Very." Nauna akong maglakad, binabagalan ko lang ay hinintay syang makasabay sa akin pero hindi ko nararamdamang sumusunod sya kaya hinarap ko sya.
Nahiya naman ako dahil kitang kita ko kung paano nya ako titigan, what the hell.
"Chase?" pagtawag ko sa kanya, he didn't blinked at talagang pinanindigan nya ang pagtitig.
"Yes?" Hindi man lang kumurap habang sinabi iyon ganito ba talaga kalakas ang epekto ng isang Ayeisha sa kanya? How lucky.
"Are you not coming?" Hindi ko na ininda ang pagtitig nya sa akin at nagtanong na lang.
"Ofcourse I'm coming, I won't let this pass." Wala pa ring kurap na sagot nya. Okay, he's starting to creep me out.
"Then stop staring." I said casually.
"Why would I? If I'm seeing the most perfect view right now... tell me, why would I stop?"
And with that, my cheeks turned red.