Everything's... owned.
-"Good Morning, Kamiko!" Few students greeted, nginitian ko lang sila.
6:40 pa lang ay nandito na agad ako sa Zeiiku University, plano kong pumasok ng maaga para maunahan ko ang totoong Ayeisha, mahirap na baka magkaproblema pa.
"Hey, princess. Too early for your next class huh?" Agad na akbay sa akin ni Travis Smith, nakalimutan kong tignan kung saang section nakabilang si Travis at hindi ko alam na first batch pala sya, siguro ay nasa Class B o C sya.
Nanatili akong kampante habang naglalakad, hindi ako nagsalita, knowing Travis.. hindi sya agad agad maloloko.
"Princess, you're too silent. Nakakapanibago." Tinignan ko sya at nakitang pakamot kamot sa sentido na animo'y nagtataka sa inaasta ko. Hindi ko pa rin alam ang real deal between Travis and the real Ayeisha Dawson. Kailangan ko pa ng kaunting digging para malaman kung anong meron sa kanila.
Hindi ko pinansin si Travis at nagkibit balikat na lang. Baka dahil sa maling salitang lumabas sa bibig ko, mabisto agad ako.
"Fine, mukhang masama ang gising mo, I'll catch you up later. Magsisimula na klase ko." Hindi nya hinintay ang sasabihin ko at agad na lumakad palayo, nakahinga ako ng maluwag, alam kong nakakahalata sya sa pinaggagawa ko lalo na noong bumisita ako dito.
Pagkaharap ko sa kabilang side, nagulat ako dahil nakatingin na si Chase sa akin, wari'y nagtataka kung bakit magkalapit kami ni Travis kanina, hindi kaya'y nakita nya ang pag-akbay sa akin ni Travis?
Napangisi ako sa naisip.
Hindi ko na sya pinansin pa at nagsimulang maglakad.
-Nakaupo ako sa waiting shed, nagpapalipas oras 8:25 pa lang naman at 9:00 pa ang simula ng klase. Hindi ko pa nakikita si Ayeisha kaya sigurado akong wala pa sya.
Ngunit nakarinig agad ako ng ingay sa bandang kaliwa ko, si Ayeisha?
Lumapit ako kung saan nagmumula ang ingay at habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng bulong-bulungan.
"What the heck? Bakit dalawa ang Kamiko na nakikita ko?" Rinig kong pagchismisan ng ibang estudyante.
"May kambal si Ayeisha?" Napatawa ako ng tago sa narinig. Stupid fools.
"And who are you?" I asked, oo tinatanong ko ang tunay na Ayeisha, kailangan kong maipakita na I'm the real one and she's fake.
"No, you tell me who the hell are you?" Nakikita ko syang nanggagalaiti sa galit. Wala pa nga akong ginagawa, ganto na inaasta nya? Ha.
"I'm Ayeisha Chei L. Dawson, and you are?" I smiled, pang-asar lang and thanks God dahil effective naman kahit papaano and as a matter of fact, binabaliktad ko na ang lahat. Nagsisimula na ako.
"Liar." Aktong susugod sya pero napatigil din dahil sa sinigaw ko.
"Krissy and Roxy! Ang tagal nyo naman dumating." One point for me, buti na lang at nakita ko sila agad. Magagamit ko sila para mapatunayang ako si Ayeisha, kung hindi ko sila agad nakita siguro ay mapapahaba ang sagutan namin ni Ms. Dawson.
"Ayeisha... Oh? May kambal ka?" Tanong ni Krissy.
"No... I don't even know her." I answered back, alam kong hindi madaling maloki sila Krissy at Roxy dahil nakasama na nila si Ayeisha for I dont know how many years, but I'm too cool with that.
Tinitigan ko si Ayeisha at alam kong naiinis na sya, yung tipong harapan mong nakikita yung bestfriends mo na may kinakampihang iba, ang sakit nun.
"Tara na.. baka malate pa tayo." Sabi naman ni Roxy. Nagsabay sabay kaming maglakad patalikod kay Ayeisha. I smiled, I won again.
-"Class dismissed." Sabi ng guro na nasa harapan. Tumayo ako at nag-ayos ng gamit. Wala namang masamang nangyari sa akin, so far. Pero hindi ako basta kampante lang, alam kong Ayeisha will get back at me.
"Ayeisha, pinapatawag ka sa office. Sige, mauna na ako." Hinintay ko syang makaalis at agad akong sumunod papalabas, sino naman kaya ang magpapatawag sa akin at sa dismissal time pa?
Nang makarating ako sa office ay nadatnan ko si Kuya Alden at Attny. Dean, they're both smiling.
Kuya Alden is my brother, not by blood, inampon sya ng parents ko pero buti na lang at magaan ang loob namin sa isa't isa, unlike those bro-sis relationship na nagkakasamaan ng loob, no, we're not one of them, in fact... I love his as my real brother. Pero syempre walang makakapantay sa pagmamahal ko sa totoo kong kapatid... whereis living life in heaven.
"Look who's here.., Aug-- Ayeisha." Said by kuya Alden then chuckled.
"Hey bro, what are you and Attny. Dean up to?" tinignan ko silang pareho na gulong gulo. Siguro ay may balita silang ihahatid sa akin. May pakiramdam akong maganda ang ipapabatid nila sa akin kaya no worries.
"Ako na ang naghahandle ng school mo, Ayeisha." Kuya Alden said.
"This is now your school, Ayeisha." Attny. Dean continued.
"Everything's now in your side.... August."
Did I heard them right?