August 8

17 1 0
                                    

Great feeling of being a student.
-

Papunta ako ngayon sa Zeiiku University para kumuha ng uniform. Hindi ko na kailangang magenroll dahil nakapagenroll na si Ayeisha ang kailangan ko na lang gawin ay baliktarin ang lahat. ID na lang ang kailangan ko na nagpapatunay na ako ay isang estudyante sa Zeiiku.

Pagkarating ko sa Zeiiku University ay dumeretso agad ako sa supplies kung saan pwedeng bumili ng uniform.

"Regular uniform, 3 pcs blouse, 3 pcs skirt with patches on its necktie and the school's pin. P.E. uniform for 3rd year and Girl's uniform every Mondays." Tuloy tuloy na sabi ko.

"Ma'am Ayeisha? Bakit kumukuha kayo ng uniform eh ang pagkakatanda ko ay bumili na kayo noon?" Tanong ng nagmamay-ari ng supplies.

"Naiwan ko sa rest house namin ang mga gamit ko pangpasok. You know my size naman right? I'm sure nakarecord yan. Now please, I'm in a hurry."

"And oh! Paki order din ako ng gold name plate ko dahil naiwala ko yung akin. Babalikan ko na lang."
-

Nakauwi na ako at sinusukat ang mga uniporme na binili ko. Sinuot ko na ang blouse at palda. Fitted sa akin ang blouse at yun ang gusto ng isang Typical Ayeisha Dawson, masyado syang confident sa sarili nya.

Nakatayo ako sa harap ng salamin at pinakiramdaman ko ang sarili habang suot suot ang uniporme.

This is the best feeling I've encountered, so far. Pero nakakapanghinayang dahil hindi ko naranasang maging high school student, bilang ako... bilang August Maple Griffiths.

"August! August!" Sigaw ni Attny. Dean, alam kong sya yun dahil kabisado ko na ang boses nya.

"August!" Hingal na bigkas nya pagkapasok ng kwarto ko. Napansin kong napatigil sya nang makita ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"August. You look like the real Ayeisha. Wow." Manghang bigkas nya.

"I know right. So what's up?" Umupo ako sa couch malapit sa kama ko at tinitigan si Attny. Dean.

"Look what I have here." Tinaas nya ang kamay nya na may hawak na isang.. ID. Napangiti ako ng mahawakan ko iyon. Sinuot ko agad at tumakbo paharap sa salamin.

"Now it's complete. I'm now a student of Zeiiku University."

AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon