August 7

12 1 0
                                    

Practice makes complication.
-

Nasa harapan ko ngayon si Attny. Dean at sinasanay ako sa mga paboritong gawin ni Ayeisha-- ng totoong Ayeisha.

May hawak na isang ruler si Attny. Dean at pinagmamasdan kung mali ang ginagawa ko. Naglalakad ako habang may nakapatong na tatlong nagkakapalang libro sa ulo ko, kailangan kong masanay na laging nakaderetso ang lakad ko dahil isang Modelo si Ayeisha. Modeling ang hilig nya.
-

Ngayon naman ay nakasakay kami ni Attny. Dean sa kabayo. Isa sa mga paborting gawin ni Ayeisha, ang makipagkarera habang nakasakay sa kabayo, hindi naman ako masyadong nahirapan dahil marunong akong mangabayo.

"3....2.....1.... Go!" Nagsimula kami ni Attny. Dean na patakbuhin ang aming sinasakyang kabayo. Kailangan kong maunahan si Attny. Dean dahil yun ang dapat. Undefeated pa si Ayeisha sa larangang Horseback riding.

Konti na lang ang agwat namin ni Attny. Dean at maaabutan ko na sya. Tutok na tutok ako sa likuran ni Attny. Dean, umaasang makakalapit ako kapag tinitigan ko iyon.

x

Natalo ako sa horseback riding pero gagawin ko ang lahat maging magaling lang doon. Hindi ako susuko pero ngayon, alam kong makakabawi ako. Fencing. Sigurado akong sa pagkakataong ito ay mananalo na ako.
-

Tutok na tutok ako sa target na mansanas habang bitbit ang isang malaking pana.

This time, archery naman ang ginagawa namin. Kailangan kong matamaan ang target.

"2..3..1..2..3.. Release." Bulong ko sa sarili. Ni-release ko na at ibinaba ang hawak ko hindi ko na tinignan ang mangyayari dahil sigurado ako.

"Bullseye!" Sigaw ni Attny. Dean.
-

"Wow. I enjoyed everything I did today!" Tinikom ko ang kamao ko at tinapat iyon kay Attny. Dean.

"Fist bump!" Sabay naming sigaw. Sa katunayan ay parang bestfriend ko lang si Attny. Dean. Bata pa naman sya at happy go lucky. Madalas kaming magkasundo sa bagay bagay. Pero hanggang dun lang, no more no less.

"Ma'am Aug-- Ayeisha nga pala. Sorry." Tawa nya habang hawak hawak ang tiyan. Sigurado akong nag-enjoy rin sya sa mga ginawa namin kanina lang.

"Wag ka na ngang mag Ma'am! Nagmumukha akong matanda!" Sagot ko habang natatawa tawa.

"Konting ensayo na lang Ayeisha magiging ganap na Dawson ka na." Napatahimik ako ng marining ang huli nyang sinabi.

Hindi ko nais na maging isang Dawson.

AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon