Chapter 3

13 1 0
                                    


Ies' POV

"Hoy! Asan si Venz?!" Tanong ko sa dalawa nang maka dating kami sa tapat ng classroom na walang zombie.

"Ha? Ewan ko! Hoy Yuan sa likod mo!" Sagot ni Nics habang pinapalo ng kahoy ang mga zombies na tumatakbo papalapit sa amin.

"Walang papasok hanggat hindi nakakaakyat si Venz." Utos ko sa kanila habang pilit naming pinapatay ang mga zombies.

"Pa'no naman si Asher?" Hindi ko nalamang pinansin ang sinabi ni Yuan.

Pake ko ba d'yan sa Asher na'yan, pabigat lang 'yan dapat nga di nayan sumama sa'min eh. Baka ng s'ya pa ang dahilan bat nawawala silang dalawa ni Venz.

Speaking of the devil... Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng tumatakbo at nakita si Raven.... Habang buhat n'ya sa likod n'ya si Asher. Hahaha pabigat nga ang deputa.

"Venz dito!" Sigaw ko at pinapasok na sila Nics, ako nalang mag h-hold sa mga zombies, para ligtas na makapasok si Venz at yang Asher na 'yan.

Pumasok nadin ako nang makapasok si Venz.

Agad n'ya namang binaba si Asher at pinaupo ito sa upuan.

Pagkatapos no'n ay hinayaan n'yang si Yuan ang magasikaso dito at pumunta do'n sa may pintuan para magbantay.

Wala akong ibang bagawa kundi ay umirap. "May nararamdaman akong selos." Tumingin ako kay Nics nang lumapit s'ya sa'kin.

"Oo, kanina pa. Da't di na sumama yan eh." Inis kong sambit at pumunta nalang do'n sa kabilang pintuan para magbantay at siguraduhing hindi mabubuksan ng zombies.

"Nakaka bad mood ba?" Malakas na tanong ni Nics at tumawa.

Nilakihan ko s'ya ng mata nang makita kong tumingin sa'kin si Venz na nakakunot ang noo, nagtataka kung ano bang sinasabi ng babaeng 'to.

Hindi na muling nagsalita si Nics at umupo nalang sa isang sulok. Habang ako ay nagbabantay at pinagmamasdan si Yuan na inaasikaso si Asher.

Puro aray at reklamo nalang ni Asher ang naririnig namin. Siguro ay masakit nga talaga ang paa niya, pero kase naman! Nasa sa amin na ang mga attention ng mga zombie sa labas!

"Gagu!" Sigaw ni Nics, kasabay ng isang tunog ng pagbasag ng isang bintana.

Putangina, sa sobrang ingay ni Asher na basag na ng mga zombie ang bintana

'Lord saksakin niyo nalang ho ako

'Pag ako natigok dahil lang kay asher, mumultuhin ko talaga siya sa next life.

'TANGINA MO ASHER RIVERA!!!

Nagmadaling lumapit dito si Nics. "Uy tangina niyo tulong!" Sigaw ni Nicole at nagmamadaling pinaghahampas ang ulo ng mga ito para mailabas.

Hindi manlang kami makatulong ni venz, kami kasi nakabantay sa pinto. Baka pag umalis kami maka pasok pa sila, nag dadasal nalang kami na sanay magawan nila ng paraan ang bintana. Dahil sa totoo lang, wala na kaming ibang mapupuntahan. Si Yuan nalang ang lumapit at tumulong.

Napunta ang attention ko kay Asher, nang sinubukan niyang maglakad papunta kila Yuan, kahit na hirap na hirap siya. May sinabi pa ito ngunit hindi ko na narinig, dahil nandun sila sa kabilang dulo malapit kay Venz.

Kinuha niya ang kahoy at inginudngod ito sa mga ulo ng zombies hanggang sa tuluyan itong mailabas, habang yung dalawa naman ay binuhat yung isang lamesa at ipinangtakip sa butas.

Nang kamapante na kaming hindi matutumba yung harang, bigla nalang natumba si Asher, pero agad din naman siyang nasalo ni Venz...

Wala akong ibang nagawa kundi umirap sa nakita ko. "Luh, pabebe ampota." Hahaha ang dami ko nang nakikitang sakit sa mata ha.

The EscapeWhere stories live. Discover now