Raven's POV
Dahan-dahan kaming lumabas ng clinic. Walang zombie sa hallway, pero kahit anong gawin namin na hindi magingay nararamdaman padin kami ng mga zombie.
Tumakbo nalang kami sa may hagdan, wala na kaming ibang choice kundi tumakbo, dahil hinahabol na kami ng mga ito.
"Venz! I d-distract namin ni ken yung mga humahabol satin, si neo naman bahala sa mga nasa loob ng classroom." Tumakbo sila even papunta ng ibang direction.
Nag tago kami ni neo sa may hagdan, habang sila even naman ay bumaba muli sa first floor, habang sinusundan naman sila ng ibang zombies.
Agad kaming lumapit sa classroom at tinignan kung may mga zombies ba dito. Tinignan ko agad si neo at sinenyasan.
"Oyy!! Dito!!" Pumunta sa kabilang pintuan si neo, at sumigaw para makuha ang attention nila.
Nang habulin nila si neo ay agad nadin akong pumasok, sinarado ko lahat ng pintuan para naman ay walang makakapasok. Hindi ko ito nilock, dahil papasok pa sila ken at ang iba mamaya.
-
Nagmamadali kong kinuha ang bag ko, agad na kinalkal para mahanap ang susi. Binuhos ko na lahat ng laman, pero wala talaga yung susi.
Tangina, alam kona kung bakit ito nawawala. Bwiset naman sila kenneth, tinago ang susi ko.
Napa lingon naman ako ng marinig ko ang kalabog sa pinto, sila neo na pala. Binuksan nila ito at exacting isinara nang makalapit na ang mga zombies.
"Ano venz nahanap mo ba?" Inosenteng tanong ni kenneth, kaya tinaasan ko lang siya ng daliri at pinakyuhan.
Binato ko sakanya ang bag at hinalungkat nila ni even, pero wala naman siyang nakitan
"Oh wala? Eh bat sakin ka nagagalit?"
Nang ma realize niya ang sinasabi ko, agad siyang napalaki ang mata. Diretsyo siyang naglakad siya sa drawer sa pinaka likod ng classroom.
"Ay ito pala." Sabi niya na parang hindi sinasadya, lumapit nalamang ako sakanya at binatukan siya.
Nag halungkat muna kami ng mga bagay na pwede naming magamit bago lumabas. At nung palubog na ang araw nag handa na kaming lumabas ng classroom.
Binuksan nila kenneth ang pinto, sumilip muna kung may mga zombie sa hallway. Merong mga ilan, at kaya naman namin silang malagpasan.
Tumakbo kami papalabas ng room, at tinutulak lahat ng zombie na sumasalubong saamin. Agad din kaming naka balik sa tapat ng clinic.
Nagmamadali kaming pumasok nang mabuksan ito, dahil may mga zombies na na papalapit saamin. Agad kaming nagulat sa nakita namin.
-
Charles's POV
"Nagagawa pa talagang matulog ng iba sa ganitong panahon no?" Nagpintig ang taenga ko nang marinig ko si camila na nagsalita.
Kaya naman pala may kakapalan sila ng mukha magsalita, eh tangina kasama pala non sila ies eh. Malamang at malamang magkukunsintihan yan.
Agad akong naglakad papalapit sakanila, hindi para mag hanap ng gulo, kundi para kunin si mich.
"Charles ano ba?" Pag pumiglas ni michelle sa hawak ko, kaya kumunot ang noo ko.
"Anong ano ba? Bakit kaba nandun ha? Alam mo na ngang pinaguusapan nila si asher makikisali kapa? Ano ba talaga michelle ha? Hinahayaan mo lang na pagusapan nila si asher?" Pag compronta ko sakanya.
"Ano bang pake mo? Totoo naman ah, nagawa niya pang natulog eh samantalang kami yung gumagawa ng trabaho?" Gulat na gulat ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ni mich.
YOU ARE READING
The Escape
Mystery / ThrillerA #sunjay au where in a sudden zombie outbreak has spread through the city, what will happen if Asher(sn) and his team is stuck with the group of his enemy, Raven(jy) will they try to work together just to survive the human eating zombies? "If our e...