Chapter 7

13 1 0
                                    

Even's POV

Pagka pasok palang ng mga kotse ay naka abang na sila cd para isara ang gate, dahil nga ay sinusubukan din pumasok ng mga zombie.

Agad akong bumaba ng kotse at nilapitan si asher na nag lalakad papunta sa main door. Pumasok siya at sumunod naman ako.

"Ate percy?" Tawag niya sa kasambahay nila, habang nililibot ang tingin.

"Kuya hiro?" Sigaw niya at hinahanap kung may tao ba.

Inikot namin ang buong first floor, sinisigurado na walang zombie at tao sa loob nito.

Napukaw ang attention namin nang may marinig kaming ingay na nanggagaling sa labas, kaya agad kaming napa takbo palabas ni ash.

"Ate percy!" Tawag ni asher nang makita niya si ate, ngunit napa kunot siya ng makitang naka tali ito.

Hinayaan ko nalamang na lumapit si asher kay ate, pero agad kong napansin ang damit at paligid nito.

May mansyang dugo ang damit at may ilang dugo din sa may lapag katabi nito.

"Asher!" Agad kong pinigilan si asher ng tatanggalin na sana niya sa pagkakatali si ate.

Hindi kami ligtas pag pinakawalan niya ito, hindi na siya tao pa. Alam kong nakagat na siya, lahat ng dugo ang nagpapakitang hindi na siya tao.

"Even what are you doing? Let me go! I need to untie ate percy." Pilit niyang pagtanggal sa hawak ko sakanya.

"Tangina mo even, i said let me go-" Pag pupumiglas niya, ngunit napabalik ang attention niya kay ate.

Nagsimula nanamang magsuka ng dugo si ate percy, kasabay nito ang paulit-ulit na pag kibot ng kanyang katawan. Siguro ay na trigger siya sa amoy ng dugo sa sugat ni ash.

Bigla nalamang kaming nagulat ng bumagsak ito sa lapag, nagsimulang sumirit ang dugo mula sa kanyang leeg.

Tumingala kami at nakita si camila, may hawak na kutsilyo.

Nararamdaman ko ang pag nginig ng katawan ni asher.

"P-putangina!" Pagsigaw ni asher, agad ko siyang niyakap sinusubukan pakalmahin, habang ginagawa niya akong supporta.

Dahan-dahan ngunit agad na naglakad papalayo si camila sa katawan ni ate percy, nabitawan din ang kotsilyo.

Nakita kong nagulat din sila venz sa nadatnan, nang nag mamadali silang pumunta nung siguro ay narinig nila si ash.

"You deserve that." Tumindig ang aking balahibo, nang masabi niya iyon.

Oo, magiging zombie narin ito, ngunit tao pa din ang kanyang estado. Nakakapag salita, nakakakilala pa ang taong pinatay niya. Hindi ko akalaing makakapatay siya ng tao.

Dahil lang ba na inisip niya na si asher ang dahilan kung bakit siya nawalan ng kaibigan?

Tangina hindi naman ginusto ni asher ang nangyari, at isa pa wala naman talagang kasalanan si asher. Siya nga ang unang tao at dahilan kung bakit sinakripisyo ni aeka ang sarili niya.

Umupo sa lapag si asher habang inaalalayan ko, niyakap niya ang walang buhay na katawan ni ate percy. Walang pake kung mapahiran man siya ng dugo.

-

Hinayaan lang namin siyang magluksa, kami nila eze ay nasa tabi lamang niya niyayakap siya.

Hindi ko alam kung bakit nakatayo lamang si mich at tinitignan kami, pero tsaka ko nalang aalahanin yun.

Hindi umiyak si asher, pinipigilan niya lang ang sarili. Tinulungan lamang namin siyang pakalmahin, hanggang sa nagsimulang makahinga muli.

Agad siyang tumayo, bago paman namin mapigilan hinawakan  na niya si camila sa leeg. Papalapit sila ng papalapit sa may swimming pool, hanggang sa tuluyang nahulog si camila.

The EscapeWhere stories live. Discover now