King Ashton's POV (father ni Fyhr)
Nandito kami ng aking pinakamamahal kong asawa sa aming harden. Nagpapahinga kami kasi palaging trabaho trabaho lang yung inaatupag namin. Mas masaya nga sana kung mayroon ang aking pinakamamahal na anak dito dahil ones in a blue moon lang kami makapag bonding.
Dumalo kasi ang aking anak sa tea party ng kanyang kaibigan kaya hindi namin sya makasama ngayon sa aming pag bonding.
Alam ko naman na masama ang kanyang loob sa amin. Nag simula ito noong akala nya'y wala kaming ginawang hakbang para matulongan si Bhryle noong naaksidente sila. Alam namin ng asawa ko na mahal nila ang isa't isa. Ang totoo nyan, tutulungan na sana namin si Bhryle, yun nga lang, sinabi ng kanyang mga magulang na hindi na nila kailangan ng tulong galing saamin, dahil may pera naman sila. Wala narin kaming nagawa kasi yun ang sabi nila saamin.
Then one day, nabalitaan nalang namin na umalis ang pamilya ni Bhryle kasama sya sa ibang lugar. Sabi nila na para mapa bilis ang kanyang pag galing. Pinayagan nalang namin sila sa kanilang gusto dahil para sa kalusugan din ito ni Bhryle.
For how many months, nawalan kami ng balita sa kanila. Kaya gumawa ako ng paraan para makamusta sila, hindi naman ako nabigo.
Mahal na mahal ko ang aking anak. Handa kong ibigay sa kanya ang lahat, hanggat sa aking makakaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may mangyaring hindi maganda sa kanya.
"Mahal ko, diba—"naputol ang sasabihin ng aking mahal reyna sa kanyang sasabihin dahil may dumating na kawal.
"Mahal na hari at reyna,(sabay yukong pang kawal) pag pasensyahan nyo po ako sa aking pag istorbo sa inyo. Ngunit may sasabihin akong importanteng balita"seryoso nyang sabi saamin.
"Sabihin mo saamin kung ano iyong importanteng sasabihin."ako
Alam ko na importante ang kanyang sasabihin. Dahil kung hindi pa ito importante, ang balitang ito ay makapag hintay pa mamaya pagkatapos ng aming bonding. Ayaw na ayaw ko na may iistorbo sa aming ginagawa.
"Tungkol po ito sa mahal na princessa."
Pagkasabi nya nun, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang aking mahal na reyna naman ay nabitawan ang kanyang inomin ng marinig ang balita.
Sa aking palagay, masasabi kong may masamang nangyari sa aking pinakamamahal kong anak. Instinct ko lang yan bilang isang ama. Parang hindi ko na kayang marining ang kanyang sasabihin.
Biglang kumilos ang aking mga paa papunta sa mga nag babantay ng kawal at sinabi sa kanila kung ano ang kanilang dapat gawin.
BINABASA MO ANG
The Royal Princess is a Gangster?!
AksiThis is a story of a princess that everybody respects her. She's a princess who was fearless, merciless, all over the world. she can kill you in a blink. what will happened if someone knows her identity? could that person live long? YOU. do you wa...