Familia Corpuz Pt.2

43 3 49
                                    

Circa 1984
Pueblo Carcel
RONALD'S POV

Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing naaksidente si Hernan. Hindi na lihim sa amin na nabangga niya ang kanyang kotse sapagkat mahigit isang linggo siyang nawala at hinanap namin siya. Hindi namin siya natagpuan, bagkus siya ang kusang bumalik. Napag-alaman lamang namin na nanggaling siya sa Kalye Maravillas, na siyang kataka-taka pagkat ilang beses namin iyong nilibot at dinaanan pero walang bakas ni Hernan roon.

At ang mas malaking kababalaghan ay sa pagbalik niya, tila'y may kakaiba na sa kanya. Gone was the gloomy cloud in his eyes, gone was the sorrow, gone was the frown. Somewhat, he's still Hernan, but happier. Patang bumalik yung dating masiyaging Hernan na kilala ko.

"Psst! Ronald!" pagtatawag sa akin ni Ronald na dala dala ang kanyang gamit pantrabaho habang ako ay abala rin sa aking gawain sa opisina ko.

"O? Bakit, Hernan?" takang-taka kong tugon sa kanya.

Buong sigla na may malaking pilyong ngiti niyang tanong sa akin, "Anong tawag sa isdang maagang uuwi?"

"Huh? Pinagsasabi neto? I-isda??" Naguguluhan ako. Seryoso ba toh? O nasisiraan na ba ng bait? Kung makangiti, parang loko.

"Edi, hito oh!" hirit niya sabay turo sa kanyang sarili. Aah. Hito. Heto. Siya. Si Hernan yung isdang maagang umuwi. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mag-aalala sa kakaibang asal niya. Napa-iling na lamang ako, sabay kunot ng noo.

"Ano ka ba? Biro yun! HAHAHA!"

"Loko ka! Oi, pero totoo? Uuwi ka na?" tanong ko sa aking kaibigan. Talagang kakaiba. Kamakailan lamang ay subsob siya sa trabaho kahit wala naman talaga siyang gagawin. Ano't nag-iba bigla ang ihip ng hangin?

"Oo naman! Uwian na kaya. Natapos ko naman yung mga gawain ko. Handa na ang mga papeles para sa proyekto na'tin sa lote ng Kalye Esperanza. Tapos na ang oras ko sa opisina kaya wala nang dahilan para magpalipas ako ng gabi rito," masigla niyang sagot sa akin.

"Mabuti naman. Nakakapanibago lang. Kamusta na nga pala kayo ni Cedes?"

"Maayos naman..." nawala ang ngiti sa kanyang mukha, tila'y may bahid ng pait ang sagot niya. Parang wala siyang nararamdaman na pagmamahal sa kanyang mag-ina. For a second he zoned out, attempting to leave, until he added, "Ah! Nga pala, lalake ang anak niya."

I was quite elated to know that he has been more involved with his future son. It just seemed a little off. 'Anak niya'? Bakit hindi 'anak namin'? Ah, bahala na. Baka nagkamali lang siya. HIndi ko na masyadong pinag-isipan iyon. 

"Mauna na ako, Ronald. Ikaw na bahala rito. Bukas ulit!" 

Tuluyan nang umalis si Hernan na may malaking ngiti habang sumusipol patungo sa kanyang sasakyan, atsaka umalis na siya. 

Bumalik na nga ang masiyahing Hernan na nakilala ko, ngunit mas masigla itong taong nasa harapan ko ngayon. Wag mong mamasamain, masaya ako at maayos siya, ngunit tila'y may kakaiba, tila'y may mali. Ramdam ko pagkat kilala ko ang aking kaibigan na para ko na ring kapatid. 

Noong una ay hinayaan ko lamang siya pagkat tila'y ayos naman siya. Nagagawa namin ang aming trabaho. Marami kaming natulungan at nakamit na tagumpay. Parang masaya naman sila ni  Cedes. 

Iyan akala ko, hanggang isang araw, dinalaw ko sina Hernan at Cedes upang magbigay ng regalo para sa kanilang magiging anak. Nagulat na lamang ako dahil...

"O? Cedes? Nasaan si Hernan?"

"Wala siya rito, Ronald. Ang sabi niya ay nagtatrabaho pa raw siya. Hindi ba kayo magkasama sa opisina?"

Sitio MaravillasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon