Samantala, sa graduation ng magkapatid, naghihintay pa rin sila sa pagdating ng mga magulang, lalong lalo na si Madison.
"Madison, para ka nang Giraffe sa kakahanap sa mga ayaw magpakita. Let them be Madie. They're not coming." si Liam.
"Liam...Wala namang maling umasa. Mahal ka ni Dad and I'm sure di ka niya matitiis. Alam ko, marami siyang pagkukulang, but that doesn't mean he's evil. There's still good in him somehow."
"Bahala ka Madie."
Sa kabilang dako,
"Ms, ok ka lang?" tanong ng lalake.
Medyo natagalan bago makasagot si Giselle. Inaalala niya kung saan niya nakita ang lalake hanggang sa nakilala niya na ito.
"O-ok lang ako." tipid niyang sagot. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at agad nang tumayo para magpatuloy sa pagtakbo. Pero hindi siya makatakbo ng tuwid at maayos dahil sa mga sugat na natamo mula kay Matteo at sa impact ng pagbagsak niya nung muntikan na siyang mabangga ng lalake . Bago pa siya makalayo, agad rin siyang hinila pabalik ng lalake.
"Ms, hindi ka ok. Hali ka, gamutin natin yang sugat mo."
"Di na. Ok na ako. Aalis na ako." pagmamadali ni Giselle. Akmang aalis na siya ngunit ayaw siyang bitawan ng lalake. "No. You're not going anywhere." Agad binawi ni Giselle ang mga kamay niya mula sa lalake. "Yes, I am."
Tatakbo pa sana siya ulit pero hindi niya na nagawa. Nagulat at napasigaw siya ng bigla siyang buhatin ng lalake.
"AAAHH! ANUBA! IBABA MO AKO!!"
Pero hindi siya nito pinakinggan kaya pinaghahampas niya na ito.
"Bitiwan mo ako!"
"Sorry Ms, di kita pwedeng pabayaan lang."
"GAGO!!"
Agad niya itong pinasok sa kotse, sa front seat at ini-child lock ang pinto nito para di siya makalabas. Nagpupumiglas pa kasi ito at sigaw nang sigaw. Halos mabingi na ang. Mabilis sumakay si Manuel sa harap at pinaharurot ang sasakyan lalo na't maraming sasakyan na ang bumubusina dahil kanina pa sila umeeksena sa kalsada.
"ITIGIL MO ANG SASAKYAN! WALA AKONG PANAHON SA KUNG ANO MAN ANG BALAK MO! MAY GRADUATION NGAYON ANG MGA ANAK KO, DI AKO PWEDENG MALATE!"
Dahil sa sinabi niya, nagbiglang liko ang lalake.
"ANUBA?! SAAN MO BA AKO DADALHIN?!" pagtataray ni Giselle rito.
"Sa bahay ko."
"A-ano?! A-anong gagawin mo sa akin?!"
"Rarape-in kita!" pagbibiro niya kay Giselle.
"Gago ka! IHINTO MO ANG SASAKYAN---"
"ANUBA?! MANAHIMIK KA NGA! Kanina ka pa nag-iingay eh! Mamaya mabangga tayo!"
Natahimik na lamang siya sa biglang pagsigaw ng lalaki. Trauma na siya sa mga beast mode.
"Sorry. I didn't mean to...Don't worry, aabot tayo sa graduation ng mga anak mo."
Maging ang ginoo ay nagulat rin sa nangyari. Wala naman siyang masamang intensyon. Ayaw niya lamang na may masaktan.
For some reason, Giselle felt a little bit more assured that he's not a monster. Or is he?
On the other hand, sa La Mejor
Tinititigan ni Matteo ang family picture nila. He's confused. He's mad at himself. Why is he hurting them like this? Mahal na mahal niya ang mga ito, lalong lalo na si Liam...Pero di niya kayang iparamdam eh. His ambition is consuming him...
BINABASA MO ANG
Sitio Maravillas
FanfictionMadison is a simple girl. But being in a prestigious family sets weight on her being. She may seem happy, but her eyes count a different story, a story of sorrow and loss. And here comes Kevin, the guy who will make her smile again. But this is no o...