Ang Kasal nina Mercedes at Hernan

69 9 32
                                    

Circa 1984
Bienaventurado Sagrado Catedral

"Tinatanggap mo ba, Hernan Bernardo, si Mercedes Divinigracia, na maging iyong kabiyak?" Tanong ni Padre Pio kay Hernan.

"Opo, Padre Pio." sagot naman ng huli nang buong galak at pananabik dahil mapapangasawa niya na ang babaeng pinakamamahal.

"Tinatanggap mo ba, Mercedes Divinigracia, si Hernan Bernardo, na maging iyong kabiyak?"

"O-Opo...Opo, Padre." sagot naman ni Mercedes nang may halong pag-aalinlangan at panghihina. Tilang konti na lang ay hihimatayin na siya.

"You may now kiss the bride"

Di na mapakali si Hernan. Kay tagal nilang hinintay at pinagplanuhan ang pagkakataong ito. Agad niyang tinanggal ang belo ni Mercedes at sinakop ang labi nito.

Lahat ng tao sa simbahan ay nagsaya at naghiyawan. Sa wakas, naganap rin ang kasal.

Labis ang saya ni Hernan. Hinawakan niya ang mga pisngi ni Mercedes at pinagtapat ang noo nila. Masaya naman si Mercedes pero tipid lamang ang kanyang ngiti at tila'y namumutla na siya.

Nagsimula na silang maglakad palabas ng simbahan.

"I now pronounce you ---"

Ngunit isa, dalawang hakbang palamang pababa ng altar ay hinimatay si Mercedes.

"MERCEDES?!"

Lahat ng tao ay nagkagulo. Ang kaninang kasiyahan ay napalitan ng kaguluhan at pangamba, pag-aalala at pagkataranta. Ano ang nangyari kay Mercedes? Ano at hinimatay siya?

Agad na binuhat ni Hernan si Mercedes at sinugod ito sa pinakamalapit na ospital.

Ilang oras ang makalipas mula nung isugod nila si Mercedes sa Resurreccion Hospital, naglaroon na rin ito ng malay. Laking ginhawa ang naibigay ng kanyang paggising kay Hernan at sa mga magulang nitong nagbabantay sa kanya.

"Mercedes! Sa wakas gising kana!" sabj ng ama niyang si Fredo.

"Jusko, anak ko, Kamusta ka na?" dagdag ng ina niyang si Sylvia.

"Ma? Pa? Anong nangyari? Nasaan si Hernan?"

"Mahal? Andito ako." agad naman siyang sumagot at lumapit sa tabi nito. "Hinimatay ka kanina sa simbahan. Ano bang nangyari? Nainitan ka ba sa suot mo? May sakit ka ba?"

"Hernan..." bigkas niya na mangiyak ngiyak.

"Mahal, bakit? May masakit ba? A-anong nararamdaman mo?" tarantang tanong niya.

"Hernan, kasi..."

Bago niya pa natuloy ang kanyang sasabihin, pumasok na ang doktor sa kwarto at nilapitan ang pasyente.

"Dok, dok salamat at nandito na kayo. Ano pong nangyari? Bakit po hinimatay ang asawa ko? May sakit po ba siya?"

"Sa totoo lang, Mr. Bernardo, walang mali o sakit ang asawa mo. Normal lang ang kanyang nararamdaman."

"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ng ina nito.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Bernardo. Limang linggo na pong buntis ang pasyente."

Samu't saring reaksyon ang buong pamilya. Ang mga magulang ni Cedes, masaya para sa kanilang mag-asawa. Si Cedes, tuluyan nang tumulo ang mga luha. Si Hernan,di makapagsalita at di makapaniwala.

"Anak, masaya ako para sa inyo ni Hernan...Hayaan mo, magkakaroon tayo ng pagdiriwang..."

"Sige po, maiwan ko po muna kayo." tuluyan nang umalis ang doktor.

Sitio MaravillasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon