Night Escapades

56 8 51
                                    

Circa 2020
Pueblo Carcel

Sa gubat sa tapat ng Kalye Maravillas, patuloy na tumatakbo palayo si Madison. Mag-isa lang siya sa gitna ng madilim na gabi, takot, nilalamig, hinihingal, takbo lang nang takbo. Ni hindi niya nga alam kung bakit siya tumatakbo. She doesn't even know how she got there. pero patuloy lang siyang tumatakbo.

Pabilis na ng pabilis ang takbo niya, palalim na palalim ang hininga.

Para bang may sumusunod sa kanya, parang isang anino. Hindi niya man alam kung sino ito, nararamdaman niyang hindi maganda ang motibo nito.

Pabilis na ng pabilis ang takbo niya, palalim na palalim ang hininga.

Nagtago muna siya sandali sa likod ng malaking puno. Baka sakaling maligaw rin ang aninong sumusunod sa kanya. Hinabol niya muna ang hininga niya. Tila'y wala nang bakas ng anino sa paligid. Para bang napanatag siya't wala nang sumusunod sa kanya. Isa nalang ang kailangan niyang alamin- paano makabalik sa kanyang tahanan. But isn't she home yet?

Nilingon niya sandali kung wala na nga ba talagang panganib na nakaabang sa kanya. Parang wala na nga.

Uwaah!

Or so she thought. Andiyan na naman ang iyak ng sanggol. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maipaliwanag kung bakit may pagtangis ng isang sanggol siyang naririnig. Ano ba ang ibig sabihin nito? Talaga bang may malalim itong rason? O sadyang dagdag panakot lamang ito?

"No...no..No! No! No!" Napasigaw na lamang siya sabay iyak at takip sa tenga niya. Ilang beses na niya itong naririnig mula pa noon. It's very traumatic as she knew what this meant. The lady in white will once more haunt her until she falls on a cliff. Nakakapagod na.

Uwaah! Uwaah!

She ran and ran and ran away still. Hindi niya alam kung saan pupunta. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng malalakas at malalamig na hangin. Basta ang mahalaga, makalayo siya sa mga hagulgol ng sanggol na ito.

Patuloy itong tumakbo hanggang sa tila'y humupa na ang matitinding hangin at parang wala na ring uwang ng sanggol. Saglit siyang nagpahinga sa likod ng isang malaking bato. Sumilip siya mula sa pinagtataguan kung may nakasunod pa ba sa kanya, kung ang anino ba o ang multo? Ngunit wala siyang nakita kundi kawalan. Muli siyang napanatag ngunit muli rin siyang binigo ng pag-asa ng katahimikan.

Uwaah! Uwaah! Uwaah!

Napakalakas ng iyak na umalingawngaw ito sa buong gubat at sa isang iglap ay tumindi ang ihip ng hangin hanggang ang mga puno'y tila'y matutumba na. Yun na ang hudyat ng kanyang pinakatatakutan. Ngunit wala naman ito sa kanyang nililingon. Nasaan na ang babae sa gubat sa tapat ng Kalye Maravillas?

Habol ang hininga, dahan dahan siyang muling humarap sa dating daan para tumakas sa humahabol sa kanya. Ngunit nung lumingon siya...

"AAAAHHHHH"

Nasa harap na niya ang pinagtataguan.

"Hindi mo ako matatakasan..." malamig na saad nito sa dalagang takot na takot na.

"NO! STAY AWAY FROM ME!" giit niya habang patuloy na tumatakbo. Pero kahit saang sulok siya tumakbo,

"AHH!"

Sinasalubong pa rin siya ng babae.

"Wag ka nang tumakbo. Hindi mo matatakasan ang kapalaran mo" dugtong niya rito.

"What are you talking about? Who are you?! Anuba ang kailangan mo sakin?!"

Lumapit ito sa kanya. Sobrang lapit. How stupid right? She could away or maybe run. But she stood still, frozen on her feet. She was scared, her feet were trembling but they couldn't leave that death spot. Madison could feel the ghost's coldness as they were only inches apart.

Sitio MaravillasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon