"MADISON!! MADISON!! MADISON!!! Madie, wake up!!" ayun nanaman ang boses ng lalake, ang boses ng kanyang kapatid na ginigising na siya.
Biglaan naman itong bumangon mula sa pagkakatulog dahil sa pagyugyog dito ng kapatid. Pawis na pawis siya, hinihingal, takot na takot, at namumutla. Nakahinga na rin ng maluwag si William na sa wakas, nagising si Madison pagkatapos ng ilang beses nitong pagyugyog sa kapatid na tila'y patay na.
"Liam?"
"Finally Madie! Nagising ka na rin. You know, I thought, na binabangungot ka na naman. I was so scared that this time, I'd lose you...What's wrong Madie? Why is this always happening to you?"
"Hindi ko nga rin alam...Sorry na Liam kung pinag-alala pa kita..."
"Madie, I'm worried...Ano ba ang napapanaginipan mo?"
"There's this...lady in white, multo siya...Duguan siya, namumutla, may scar sa cheek, sobrang haba ng kuko, magulo yung buhok niya, puno siya ng galos all over her body...Malamig siya, basta nakakatakot... And there's always this cry of a baby everytime she's near...And she just keeps repeating the same lines, na tulungan ko daw siya pero hindi ko alam kung paano...Iisang ngalan lang yung inuulit niya...Amera. Who's that?...I know it's weird pero I think I look like her...Liam, natatakot na ako, I don't know what's wrong with me, ever since my last birthday, palagi nalang ganito, hindi ko na kaya, natatakot na ako..." takot na salaysay ni Madie. Nanginginig at natataranta na siya, kaya pinakalma siya ng kapatid na si William.
"Shh, Madie, calm down, I got you...It's just a dream, ok? Walang mangyayaring masama sa'yo...Come here..."
At dahil sa isang yakap mula sa taong totoong nagmamahal sa kanya, unti-unting nawala ang takot sa puso ni Madison.
Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto nila.
"Ehem, mga anak, baba na tayo. Breakfast time. " si Giselle lang pala, ang kanilang ina.
"Oh of course. Tara na. Baka beast mode na naman si Dad." sagot ni Liam.
Bumaba na nga sila at kumain. Umupo sa kabisera ang padre de pamilya, si Matteo Divinigracia.
"Mabuti naman at naisipan niyo pang bumaba, Madison and Giselle. It's been a decade." bati niya sa mag-ina niya.
"Sorry Hon." sagot ni Giselle.
"Sorry din Dad." dugtong ni Madison.
Natahimik nalang silang dalawa pagkatapos humingi ng tawad. Wala silang laban eh. Si Giselle? She may be the wife, but she has no say. Palaging si Matteo ang nasusunod. It's been years and their love was never stronger. It just kept growing weaker as each year passes by. Si Madison? Matteo has no time nor love for her. For some reason, hindi niya ito mapagtuunan ng pansin at pagmamahal gaya ng binibigay niya kay William.
"Stop wasting time and take your seats. Malalate pa tayo sa work. And you William, aren't you supposed to be preparing for your graduation?"
Agad nang umupo ang lahat.
BINABASA MO ANG
Sitio Maravillas
FanfictionMadison is a simple girl. But being in a prestigious family sets weight on her being. She may seem happy, but her eyes count a different story, a story of sorrow and loss. And here comes Kevin, the guy who will make her smile again. But this is no o...