Short Version

72 8 49
                                    

So this is a short story based on Sitio Maravillas I used for our project. It resembles similarities with Sitio Maravillas except that there are changes in characters and plot twists don't conform. But consider it as a bonus episode, a preparation for the next chapters.

Characters:

Maila Samonte 
Matteo Samonte
Gary Catapang
Leon Corpuz
Manuel Corpuz
Jaime Corpuz
Rosa Samonte

Kalye Maravillas

Siya si Maila, ampon ni Matteo. Nabibilang sila sa isa sa pinakatanyag na pamilya sa Pueblo Carcel, ang Pamilya Samonte. Katapat nila sa negosyo ang Pamilya Corpuz na pinamumunuan ni Leon, at ng anak niyang si Manuel. Kailangang tapatan nina Maila ang Pamilya Corpuz. Bilang pagsukli sa kabutihan ng kanyang ama-amahan, tutulungan niya ito. Subalit isang gabi...

Sa gitna ng dilim, sa Kalye Maravillas, naroon ang isang dalagang tinatawag ng isang boses patungo sa gubat sa tapat ng kalyeng 'yun.

Voice: Maila...

Maila: Sino yan?

Patuloy pa ring tumatawag ang boses sa kanya. Takot man, matapang siyang sumuong sa madilim na gubat.

 Laking gulat niya nung makita niya ang isang babaeng nakaputi, duguan, may tama sa puso, at lumilitaw sa hangin.

Voice/multo: Maila, tulungan mo'ko...

Sa sobrang takot, mabilis siyang tumakbo palayo mula sa multo...Ngunit hindi niya ito matatakasan.

 Nadapa siya dahil sa malaking ugat ng puno. Naabutan na siya ng multo kaya gumapang na lamang siya paatras...

Maila: Tama na! Ano bang kailangan mo??
Voice/multo: Maila, tulungan mo'ko...

Palapit ng palapit ang multo...paatras pa rin siya ng paatras, hanggang tuluyan na siyang nahulog sa bangin.

Flashback

Napabalikwas si Maila mula sa isang bangungot. Panaginip lamang lahat ng iyon na paulit-ulit bumibisita sa kanya simula noong gabing papunta sana siya sa isang kliyente, nasiraan siya ng kotse at huminto sa Kalye Maravillas- ang kinakatakutan ng marami dahil di umano'y puno ito ng kababalaghan. At hindi sila nagkamali dahil doon unang narinig ni Maila ang boses ng multong tinatawag siya.

Nawalan siya ng malay kaya di niya matukoy kung totoo ba ang nangyari sa panaginip o hindi. Nagising na lamang sa isang ospital. Doon niya nakilala si Gary- ang lalakeng nagligtas sa kanya. Bilang pasasalamat, dumadalaw si Maila kay Gary na nakatira sa gubat sa tapat ng kalye Maravillas. Wala siyang napansing kababalaghan. Baka nga guni-guni niya lang lahat ng yun. At ang totoo? Lumalim ang samahan nila ni Gary.

Back to present:

Tumungo na si Maila sa hapagkainan para samahan ang amang mag-umagahan. Lumabas sa balita si Leon Corpuz, hawak-hawak ang isang kwintas.

Leon: Pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang namin napag-alamang, buhay ang apo ko. Nananawagan ako sa inyo, tulungan niyo akong hanapin ang nawawala kong apo sa yumao kong anak na si Jaime at sa asawa niyang si Rosa Samonte. Hawak ko ngayon ang isa sa palatandaan niya.

Tila'y natigilan si Matteo sa pagkain niya. Para bang gulat siya.

Maila: Rosa Samonte? Pa'no--
Matteo: Kapatid ko siya...Umibig siya sa isang Corpuz kahit maraming tutol, dahil nga sa labanan ng negosyo. Nagtanan sila at naglaho bigla. Napakasakit nun. Kasalanan toh ng mga Corpuz. Kung hindi dahil sa pagmamahal ni Rosa kay Jaime, malamang kasama ko pa siya ngayon.

Sitio MaravillasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon