Laro

72 9 44
                                    

Laro tayo!

Tagu-taguan... Maliwanag ang buwan...

Wala sa likod...Wala sa harap...

Pagbilang ko'ng tatlo...Nakatago na kayo...

Isa.

 Dalawa...

Tatlo!

"Aaaah!!"

Naririnig niyo ba ang isang manipis na tinig na boses ng babae?

Isa pa! Laro tayo!

Tagu-taguan... Maliwanag ang buwan...

Wala sa likod...Wala sa harap...

Pagbilang ko'ng tatlo...Nakatago na kayo...

Isa...

Dalawa...

Tatlo!!

Hahahaha!!

Nakikita mo ba? Ang imahe ng isang dalagang kumakaripas ng pagtakbo, hinahabol ang hininga, kaba ang nanaig. Nakatago sa likod ng puno.

"UWAAH!" 

Alam mo ba ang tunog na iyon?

"Uwaah! Uwaah!" 

Tumpak! Ito'y hagulgol ng sanggol! Hagulgol ng sanggol kasabay ng paglitaw ng itim na hugis mula sa di kalayuan ng puno, isang anino ng kahindik-hindik na nilalang.

"Uwaah! Uwaah! Uwaah" 

Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?

Handa ka na ba?

Isa...

Dalawa

Tatlo!!!

Takbo!!!

Madilim ang gabi, maraming kababalaghan ang maaaring mangyari...Takbo...Takbo...

Tick-tock, tick-tock, tumatakbo ang oras...

Takbo bago pa maubos ang panahon...

Takbo, takbo bago mahuli ng anino...

Takbo, takbo, takbo, bago ang buhay ay makitlan...

Kaawa-awang dalaga, hinahabol ng anino, maging hininga'y hinahabol na rin niya. Hanggang kailan tatakbo mula sa kadiliman?

Tick-tock, tick-tock, tumatakbo ang oras...

Takbo bago pa maubos ang panahon...

Takbo, takbo bago mahuli ng anino...

Takbo, takbo, takbo, bago ang buhay ay makitlan...

Sa wakas, siya'y nakaabot din sa dulo ng gubat, sa isang kalyeng tinatawag na Kalye Maravillas. 

"Sakay! Bilis!" 

Dali-daling sumakay ang dalaga sa loob ng sasakyang minamaneho ng isang binata. Naglaho na nga ang anino pero hindi mabubura ang trahedyang nakatakdang maganap sa mismong kalye ng kababalaghan.

Sa isang iglap, tumagilid sasakyan, di mawari kung liliko, iikot, bibilis, o hihinto. Nagpagulong-gulong lamang ito sa kalsada.

Baliktad na ngayon ang posisyon ng kotse. Nasa loob pa rin ang dalawa. Ngunit, ilan kaya ang mabubuhay?

Paulit-ulit na niyugyog ng dalaga ang binata at tinawag ang ngalan nito subalit hindi na ito tumutugon. Wala na. Nakapikit na ang kanyang mga mata. Duguan na, di humihinga at may matulis na bagay na di na matukoy kung sa aling bahagi ng makina nanggaling, na nakatuhog sa kanya. Patay na ang binata. Ngunit ang dalaga? Lumalaban. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban?

Sitio MaravillasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon