Ang Sitio Maravillas

53 7 23
                                    

Lumipas ang dalawang linggo, nagsasama na sa iisang tahanan sina Cedes at Hernan. Bagamat galit na galit pa rin si Hernan, kinakailangan niyang pakisamahan si Cedes sa paniniwalang asawa niya na ito, at gustuhin niya man o hindi, may obligasyon na siya rito. Nakatali na siya. Pero kahit nasa iisang bubong sila, di niya ito tinuring na asawa. Araw araw, subsob siya sa trabaho. Gabi-gabi, mag-isa si Cedes matulog dahil umaga na umuwi si Hernan.

Sa ngayon, abala si Hernan sa kanilang negosyo kasama ang kaibigan na si Ronald Corpuz upang maitatag ang Suntuoso, na ang ibig sabihin ay magnifico, kahanga-hanga, masagana at mapang-akit. Dalawang tao, iisang negosyo,  iisang hangarin- ang itayo ang mga gusaling para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa, ang maging tulay para sa ikabubuti ng nakararami, at ang maging ilaw ng bawat mamamayan. Kasalukuyang nasa isang selebrasyon sila sa pagbukas ng Suntuoso.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Grabe, hindi ko alam kung saan magsisimula. Nagsimula lamang toh sa isang pangarap, isang pangarap ng dalawang batang palipat lipat ng tahanan. Minsan nga naranasan pa namin na matulog sa kalye. Yung mga kalyeng yun, lubak lubak pa. Kaya hinangad namin na walang pamilyang makaranas na mawalan ng matitirhan, at eto na ngayon, kasama ng kaibigan kong si Ronald Corpuz, sabay naming itinatag ang Suntuoso! Simula ngayon, kami na ang magiging haligi at ilaw ng Pueblo Carcel!" - si Hernan. Pagkatapos nun ay bumaba na siya sa entablado.

"Pre!" bati ni Ronald kay Hernan.

"Oi, pare!" sagot naman ni Hernan sa kaibigan habang kapwa silang nagkamayan.

"Congrats satin, sa wakas natupad na yung pangarap nating negosyo mula pa lamang nung nasa kolehiyo tayo." sabi ni Ronald.

"Naku, pare, salamat talaga sa'yo. Kung di dahil sa'yo sinukuan ko na tong proyektong toh." si Hernan.

"Sus, ano ka ba? Kapwa nating pinagtrabahuan iyon. Nga pala, eto yung asawa ko si Margaret. Margaret, eto pala yung kaibigan ko, si Hernan." pagpapakilala ni Ronald sa asawa sabay marahang hila rito nung dumaan siya.

"Hello, nagagalak akong makilala ka..." bati naman ni Margaret kay Hernan.

"Maging ako rin, señora. Aba't magsaya tayo pagkat sa wakas, sa hinaba-haba ng prosesyon, natuloy rin kayo sa simbahan." sagot naman ni Hernan sa mag-asawa.

"Salamat, nga pala nasaan naman ang asawa mo? Balita ko nahimatay siya nung nasa altar kayo. Anong nagyari dun? Kamusta na siya?"

Hindi agad nakasagot si Hernan. Masakit yun para sa kanya. Muli niyang naalala ang kataksilan ni Cedes. Ang munting ngiti niya kanina'y ngayon naglaho na. 

"Oo nga pare. Ayos lang ba siya? Uy baka naman buntis na yun! Ninong ako ah!"

"Naku pare, mare, hayaan niyo na muna yun. Napagod lang ata kaya nagpapahinga pa. Sa ngayon, magsaya tayo!" pilit niyang sagot. Ayaw niyang pag-usapan ito. Kaya iniba na lamang niya ang tema ng kanilang pag-uusap at mas piniling magpakalasing para makalimutan ang problema.

Lumipas ang mga minuto, ang mga minuto ay naging oras at ang oras ay umabot na sa ala una ng umaga, saka lamang nakauwi si Hernan kay Cedes.

Nung pumasok siya sa mansion nito ay agad bumungad sa kanya si Cedes.

"Hernan? Saan ka galing? Lasing ka ba?"

"Hindi ako lasing Cedes. Pagod lang ako." Walang gana niyang sagot.

"Mukha nga. Halika, mamasahiin kita." buong paglalambing ni Cedes.

"Di na. Magpahinga ka na. Masama para sa bata ang nagpupuyat ka."

Bahagyang natuwa si Cedes dahil akala niya'y unti unting nang lumalambot ulit si Hernan sa kanya.

"Umm, Hernan, magpapakonsulta sana ako sa susunod na araw sa doktor. Baka pwede mo akong samahan?"

Sitio MaravillasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon