"Love is in the air." Ito naman ang linyang hindi ko lubos maisip kung papaano nilang naisip at nasabi na nasa hangin ang pag-ibig at wala sa puso. (.__.) Seryoso ako! Tsk! Siguro pakiramdam nila ay lumilipad sila kapag may ginagawang kasweetan yung mga syota nila na lalong nagpapa-inlab sa kanila. Hehehe! Hindi ko talaga alam e! >>__<< Pero kung ganon nga e, masasabe kong maganda iyon para sa isang relasyon. 'Yong tipong pagkagising na pagkagising mo palang sa umaga ay ang selpon mo agad ang hahanapin mo kase nagteks sayo at binati ka ng mahal mo ng magandang umaga? O kaya magigising ka mula sa pagkatulog dahil tumatawag na sayo si mahal para sabihan ka ng 'Rise and shine, sunshine.' At 'yong effort niya na magpunta sa bahay niyo't susurpresahin ka ng isang breakfast in bed? Bitin 'yong tulog mo at antok na antok ka pa pero ayos lang basta para kay mahal. Ang sarap sa pakiramdam, diba? Ang sarap sarap. Simpleng mga bagay na ginagawa ng isang tao para sa mahal nila ngunit napakalaki ng epekto nito sa isang tao. Mga simpleng bagay na sobrang nakakalulong sa pag-ibig. Mga simpleng bagay na hahanap-hanapin mo at kaaadikan mo. Para itong isang druga, ngunit hindi lang dapat isa sa inyong magkarelasyon ang gumawa ng mga 'sweetness'. Nararapat lamang na suklian mo rin ang sweetness niya gaya ng isinusukli niyong pagmamahal sa isa't isa. Dahil mas masarap sa pakiramdam kapag alam mong may ginawa ka na magiging dahilan nang pakakadagdag ng pagmamahal sayo ng taong mahal mo kahit na kaunting porsiyento lamang. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag alam mong kinikilig si mahal. ;)
'Love is in the air.' -- Nope. Love is in your heart. You're just feeling like you were in the air 'coz he/she did something that made you fall deeply in love again and again to him/her. ^_^
BINABASA MO ANG
Love is?
RandomLove o Pag-ibig Tsk tsk. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng madalas tungkol dyan. Isang salita lang naman ito. Apat na letra sa ingles, at pitong letra sa tagalog. Ngunit bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa isang tao? Ano nga ba a...