"Love is everything." Pati napkin? (--,)v Tch! Linya ito ng mga echosera! Tsk tsk. Minsan kasi ay sinasabi lang nila na love is everything ay dahil sa mararanasan o mararamdaman mo raw ang iba't ibang emosyon kapag nagmahal ka, kaya 'everything'. -_- Sa totoo lang, ang dating sa 'kin 'non ay para ka lang isang nagmamagaling na akala mo ay nainlab ka na kaya nasabi mong 'everything'. -.- May punto rin naman iyon ngunit sa tingin ko ay hindi naman 'everything' ay patungkol sa pag-ibig. Madami rin namang klase ng pag-ibig. Ang ibig sabihin kasi ng kasabihang ito sa akin ay lahat ng sinasabi nating definition ng love ay naririto na. Pinag-isa o pinagsama-sama na kumbaga. Oo nga't nakakaramdam tayo ng iba't ibang emosyon o feelings kapag umibig tayo ngunit ang lahat naman ng iyon ay hindi panghabang-buhay at natatapos rin. Kaya mo nasasabing love is everything ay dahil sa 'naranasan' mo na kung papaano ba ang pakiramdam ng mainlab. At hindi dahil sa 'alam' mong kung papaano ang pakiramdam ng mainlab. Magkaiba yun. Wag kang ano. -.- At dahil nga sa marami ang klase ng pag-ibig, maaaring ang lahat ng bagay sa mundo sa mayroong kinalaman o pagkakaugnay sa pag-ibig. Ngunit ba't hindi lang naman dapat sa pag-ibig umikot ang mundo naten? Dahil hindi lang naman ito ang mundo naten. Hindi rin naman mundo ang pag-ibig. Dahil ang pag-ibig ay isa lamang matinding nararamdaman ng isang tao na nakapagbibigay ng iba't ibang emosyon. Mga emosyon na maaaring makapagpabago isang tao. Mga emosyong kinakailangan nating kontrolin. Tandaan nyo 'to.. Hindi porket gawa tayo sa pag-ibig ay puro pag-ibig na lang ang aatupagin natin. Ginawa tayo sa pag-ibig hindi lamang para umibig. Two words... 'Live life.' Hindi yung isang pang two words na... 'Live love.'. Sa madaling salita, 'live life not live love' , as easy as that. (--,)v
'Love is everything.' -- Mmn. It is just simply between live life and live love. But it is better to live life and spread love. ^_^
BINABASA MO ANG
Love is?
RandomLove o Pag-ibig Tsk tsk. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng madalas tungkol dyan. Isang salita lang naman ito. Apat na letra sa ingles, at pitong letra sa tagalog. Ngunit bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa isang tao? Ano nga ba a...