Love is sacrifice.

41 2 0
                                    

"Love is sacrifice." Stooop me! >_< Ang lagay e, por que mahal mo siya ay kailangan mo nang magsakripisyo? Nagsakripisyo ka kase mahal mo siya? Mahal mo siya kaya sinakripisyo MO 'SIYA'!? Sows! Mga pananaw niyo.. >.> Sinakripisyo mo siya tapos ngayon ay magrereklamo ka't iiyak na akala mo e katapusan na ng mundo? E kung kutusan kita ng bente? Ginusto mo 'yan kaya magdusa ka! Desisyon mo 'yan e. Para sa akin kasi, kaya lang naman nagagawa ng isang tao ang isakpripisyo ang taong mahal nila ay dahil AKALA nila, 'yon na 'yong pinakamabuti o iyon na ang pinakamagandang gawin. Kumbaga, 'you leave me no choice'. Mga ganon. ;) Iniisip nila 'yong makabubuti sa lahat kaya ganon. Dahil kung hindi ay paniguradong hindi naman 'yan magsasakripisyo. Sabihin na lang nating selfish sila. Selfish pero sa ibang paraan. 'yong tipong selfish na walang pakialam sa mundo, ang importante ay masaya sila? Tsk tsk. Para saan ba 'yong sakripisyo mong 'yon? Para saan, hindi para kanino. Sa anong paraan mo ba siya sinakripisyo? Bakit mo siya kailangang isakripisyo? Worth it naman ba? Ang tanong e, NAGSAKRIPISO KA BA TALAGA? (--,)v Isa-isahin natin. Para saan? Para sa ikabubuti ng lahat.. Sa anong paraan? Iniwan mo/nakipagbreak ka. Bakit? Kasi 'yon na lang 'yong nakikita mong pwede mong gawin. Worth it naman ba? Siguro. Ewan. Sa mga 'yan.. masasabi mo na bang nagsakrpisyo ka? Para sa akin ay hindi. Nagdesisyon kang iwanan siya. 'Yon 'yong ginawa mo. Hindi ka nagsakripisyo... Tumakas ka. Tumakas ka at iniwan siyang mag-isa sa ere. Bakit o paano ko nasabing ganon? Dahil pareho kayong nasasaktan at nahihirapan sa pinagdadaanan niyong balakid sa buhay non. Pero anong ginawa mo? Kung sa mga ganoong sitwasyon sana ay huwag nating hayaang kontrolin tayo ng emosyon natin. Hindi ko sinasabi o kinukuwestyon ang ginawa mo pero sana ay lumaban at sinubukan niyo muna pareho. Kesa 'yong nagdesisyon ka ng hindi man lang lumalaban o nang wala man lang ginawa para maisalba ang relasyon niyo. 'Wag ganon. Baka kasi sa huli ay magsisi ka. Wala naman kasi ni isa sa atin ang nakaaalam kung ano ang mangyayari bukas o sa makalawa. At saka, hindi siya 'yong sinakripisyo mo. Kundi 'yong nararamdam o pagmamahal niyo mismo sa isa't isa. Ganito lang 'yan... Problema?->Laban!->Keri?->Go fight!->Problema again?->Laban ule!->Mahirap?->Keri 'yan!->Pagod na?->Tiis-tiis.->Pasuko na?->Pahinga muna.->Kaya na ule?->Laban na naman!->Suko na?->Go #TheEnd. d>.>b Mag-isip ka'ng mabuti...para di ka magsisi. Hindi kase lahat ng bagay ay nabibigyan pa ng ikalawang pagkakataon. ;)


'Love is sacrifice.' -- Yes. Because sometimes, fate will leave you no choice but to sacrifice your feelings. But it is just a challenge to measure how stong your relationship is. Believe in destiny... in an arch destiny. (^_~)

Love is?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon