6. One-Sided Lovers

18 1 0
                                    

MABUHAY ANG MGA SAWI!!!

May mas sasakit pa ba rito? Tsk. Sobrang sakit kasi nito e. 'Yong tipong ikaw lang ang nagmamahal? Ouch! 'Yong na-fall ka tapos hindi sinalo? Ouch! 'Yong akala mo merong kayo pero wala pala? Ouch! 'Yong umasa ka kasi nagbigay ng motibo, pero wala lang pala 'yon sa kaniya? Pakshet!


Okay. Simulan natin kung paano o bakit nagiging one-sided lover ang isang tao.

UNA: FLIRTATION

Oo, paglalandi. 'Yong kunwari ay landi-landi lang, fling-fling, laro-laro, trip-trip, tropa-tropa, kaibi-kaibigan, at kung anu-ano pa.


PANGALAWA: BOREDOM

Kapag bored ka, walang magawa, mamatay na sa pagkaboryong tapos may naglandi sayo e, papatulan mo iyong naglalandi sayo. Sakyan ang trip niya kumbaga.


PANGATLO: MUTUAL

Mutual.. pareho. Pareho kayong malandi, naglandi, nagkipaglandian, etc.


PANG-APAT: GWTF

Motto mo iyong Go With The Flow. Go ka lang ng go. Naka-globe ka kasi--- este natutuwa ka na kasi sa landiang nagaganap sa pagitan ninyong dalawa. Nasasanay ka na.


PANG-LIMA: SYMPTOMS

Dito na lumalabas ang mga sintomas na nagsisimula ka nang mahulog. 'Yong sanay ka ng kasama o kausap siya. Hinahanap-hanap mo na iyong presensya niya. 'Yong para na siyang sakit na lumatay sa dugo mo na hindi na maaalis. 'Yong halos tumira na siya sa isip mo't madalas tumambay sa puso mo. Konting paglalandi at pagpapaasa -- este paglalambing niya lang e, halos manapak ka sa tuwa't gusto nang lumabas ng puso mo mula sa katawan mo. 'Yong kilig mong nag-uumapaw. 'Yong mga pang-i-stalk na ginagawa mo sa lahat ng social media account niya at kung anu-ano pa na hindi mo naman normal na nararamdaman o ginagawa no'ng mga panahong wala pa siya sa buhay mo.


PANG-ANIM: DENY & EGO

Kapag napansin mo na sa wakas na nahuhulog ka na ay syempre ide-deny mo 'yon sa sarili mo. Kasi diba? Laro lang 'yon. Ang unang mahulog ay siyang talo. Ayaw mong masaktan ang ego mo. Well, sino nga ba ang taong gustong masaktan ang ego niya? Wala, hindi ba?


PANG-PITO: WAIT A MINUTE, KAPENG MAINIT!

Nakahalata, nagdeny, wait! Siguro kailangan niyo muna ng konting space. Pahinga muna, baka kasi matuluyan. Iwas ng konti. 'Wag muna magparamdam ng mga ilang araw. Busy-busy-han. NAKAKATANGA. Naglolokohan na nga kayo, niloloko ka na nga niya, pati ba naman sarili mo ay lolokohin mo? 


PANG-WALO: ON-THE-PROCESS

Okay. So tuloy natin sa panloloko mo sa sarili mo. Habang umiiwas ka ay mas lalo ka lang mahuhulog. Doon kasi pumapasok iyong pagka-miss mo sa kaniya. 'Yong hindi nga pansamantala mo ngang pinutol 'yong communication niyo pero maya't maya mong ini-stalk mga social media account niya. PERO! Habang nasa proseso ka ng panloloko sa sarili mo ay unti-unti mo ring matatanggap sa sarili mo na TALO ka. Talo ka na talaga.


PANG-SIYAM: MOVING ON

Para sa pride at ego mo ay magmo-move-on ka na agad sa nararamdaman mo. Alam mo naman kasing hindi kayo parehas ng nararamdaman sa isa't isa. Alam mo na kasi 'yong ikot ng bituka niya. Alam mo ng hindi siya 'yong tipo ng tao na marunong magseryoso. Alam mong simula't sapul ay hindi siya seryoso at naglolokohan ng kayo. Hindi naman kasi pagkasinabing move-on ay para lamang iyon sa  mga taong nasawi sa loob ng isang relasyon. Mali 'yon. Dahil ang pagmo-move-on ay para sa lahat ng taong nasaktan na kinakailangan nang sumaya muli.


PANG-SAMPU: THE END

Naniniwala kasi ako na hindi ka makakapag-moved on kung walang closure. Kung gusto mo talagang mawala ang feelings mo para sa kaniya, kung willing ka talagang mag-move-on at mag-let go e, CLOSURE nga ang solusyon. Paano magkakaroon ng closure sa ganitong set-up? Simple lang. UMAMIN KA. Sabihin mo sa kaniya 'yong totoong nararamdaman mo para sa kaniya. Sabihin mong nahulog ka. PERO! Pero hanggang doon ka lang dapat. Hanggang sa pag-amin ka lang dapat.. para may pagtatapos. Bakit ko sinabing hanggang pag-anim ka lang dapat? Kasi ang goal natin rito sa pang-sampu ay ang magmo-move-on mo. Marami kasing pwedeng mangyari kapag umamin ka. Tulad na lang ng inaasahan mong hindi nga siya para sayo. Malalaman mong may kasintahan siya  (pero gago siya't nakipag-fling sayo). PERO! Pero maaari ring malaman mo na pareho kayo ng nararamdaman. PERO! Pero ulit. Pero ang goal natin ay ang pagmo-move on mo kaya dedma. Isipin mo na lang ang mga priorities mo sa buhay. Kunwari, mag-aaral nang matino kasi nagloko last school year kaya no-to-distractions ang peg, o, magpakasaya sa posibleng mangyari sa inyo pero maaapektuhan muli ang pag-aaral mo. See? We should know our priorities. We must be aware on distractions. Isa-isa lang dapat. Pero kung kaya mo namang pagsabay-sabayin ay pupwede rin naman. Bahala ka. It's always your choice and decision anyway. ;)

-

Kung may pagsisimula ang isang bagay ay nakapaloob na agad doon ang pagtatapos nito. Wala dapat pagsisising mararamdaman. Bakit ka magsisisi sa isang bagay na minsang nagpasaya sayo? Bakit mo pagsisisihan e, natuto ka naman? Isipin mo na lang na ikinaganda o ikinagwapo mo 'yon kasi may naglandi sayo. Hahahaha!

Don't rush things. 'Coz it'll all happen in God's perfect time. o:) 






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon