"Love is trust." Linya ito ng mga taong sobra kung magtiwala at mga taong walang tiwala. Naniniwala kasi ako na hindi ka pupwedeng magmahal kapag sobra sobra at kapag kulang o wala kang tiwala sa taong mahal mo. Kapag sobra sobra kasi ay baka magsisi ka lang sa huli sa sarili mong desisyon na ibigay ang 100% trust mo. Maaari kang masaktan. Maaari kang maloko o mauto. At kapag kinulang ka naman sa tiwala ay lalabas na selfish ka kasi gusto mo, sayo lang umiikot ang mundo nya't nasasayo ang lahat ng oras nya. Maaaring mag-away kayo na dahil dito. Maaari ring maghiwalay kayo. Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano nga ba ang magandang naiidudulot o resulta ng sobra at kulang? Hindi ba't wala naman? Dahil lahat ng sobra ay nasasayang at ang lahat ng kulang ay hindi sapat para isang bagay. Hindi ako sang-ayon sa sinasabi ng iba na kelangang balance ang love at trust. Para sa akin kasi ay dapat mas matimbang pa rin 'yong pagmamahal mo isang tao. Magtiwala ka sa kanya dahil mahal mo sya. Hindi 'yong, mahal mo sya kasi may tiwala ka sa kanya. Magkaiba yun. (--,)v
'Love is trust.' -- Nope. But you need enough trust in love to love and to be loved. ^_^
BINABASA MO ANG
Love is?
RandomLove o Pag-ibig Tsk tsk. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng madalas tungkol dyan. Isang salita lang naman ito. Apat na letra sa ingles, at pitong letra sa tagalog. Ngunit bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa isang tao? Ano nga ba a...