4. Ang mga seloso't selosa. -- Tsk tsk. Selos. Madalas ito ang dahilan kung bakit nag-aaway ang magshota. Hindi ba? 'Yong tipong magkateks kayo tapos kung anu-ano ang mga itinatanong sayo ng jowa mo? Gaya ng kung sino ang kateks mo, kung nasaan ka, at kung sino ang kasama mo. Wag ganon. Jowa ka lang. Hindi lahat ay kailangang alam mo. May sariling buhay siya't tandaan mong hindi ikaw ang mundo niya. Puso niya lang ang pagmamay-ari mo...hindi ang buong pagkatao't pati buhay niya. Alamin mo ang limitasyon niyo pareho. -.- Isa lang naman ang nakikita kong dahilan kung bakit may mga taong ganito kung umasta. Tiwala. Kinukulang sila sa tiwala. Kapag ganitong mga sitwasyon ay hindi mo masasabi na selosa/seloso lang siya...o kaya ang nagiging possessive na. Dahil kung ako ang tatanungin ay kaya naman nating pigilan ang selos kung may tiwala tayo sa karelasyon natin. (Just sayin'.) Pero.. hindi ba't nakakatuwa minsan ang pagseselos ng isang tao? Kasi lumalabas iyong pagmamahal nila lalo sa'tin. Ngunit gayon pa man ay iwasan o iwaksi natin ang pagiging seloso't selosa. Minsan kasi ay nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi naman dapat. Gaya ng palalayuin mo siya sa kaibigan niya nang dahil lang sa nagseselos ka. Kapag ginawa mo 'yon, paano na lamang pala kung siya lang ang natatanging kaibigan niya? Kapag nawala ang kaibigan niyang iyon ay saan na lamang pala siya tatakbo't magbubuhos ng sama ng loob kapag dumating 'yong panahon na nasaktan mo siya? Diba? Kailangan nating mag-isip muna kung ano ang mga maaaring mangyari. Madalas ay lumalabas na 'selfish' ang mga seloso't selosa. Makasarili kasi gusto nila lahat ng oras mo ay nasa kanila. Kasi gusto nila 'sila lang'. Kasi 'yon ang paraan nila para hindi ka mawala. Ang sabi nila, mahirap pigilan ang selos. Totoo naman dahil kusa mo itong mararamdaman. Pero may magagawa naman tayo para hindi na ito lumaki't magdulot ng away. Maraming paraan. Don't let your jealousy ruin your relationship. 'Twas like a shit in your relationship that can make it a relationshit. Ops! Sareeh. ;D
BINABASA MO ANG
Love is?
RandomLove o Pag-ibig Tsk tsk. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng madalas tungkol dyan. Isang salita lang naman ito. Apat na letra sa ingles, at pitong letra sa tagalog. Ngunit bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa isang tao? Ano nga ba a...