2. The Pretenders.

25 2 0
                                    

2. The pretenders. -- Ang mga taong nagpapanggap na okay lang sila kahit na hindi naman talaga. Pero masasabi mo bang sinungaling sila at niloloko lang nila ang sarili nilang nararamdaman? Kahit na hindi mo alam kung ano ba talaga ang nangyayari? Hindi makatarungan ang manghusga. (: Anyways... Sila yung isa sa mga matatapang na tao. Baket? Dahil nakakaya nilang takpan ang sakit na mayroon sila para hindi tayo maapektuhan. Marahil hindi tama para sa iba ang ginagawa nilang pagpapanggap ngunit hindi naman natin sila masisi. Hindi kase natin alam kung ano talaga ang tunay na nararamdaman nila dahil wala tayo sa posisyong iyon at hindi tayo sila. Kung iisipin at iimaginin mo na ikaw ay isa ring heart broken, as in 'yong basag na basag na 'yong puso mo at kinakailangan mong ngumiti at tumawa ng pilit sa harap ng mga kamag-anak mo dahil hindi nila alam na may buhay pag-ibig ka't ipinagbabawal nila ang bagay na iyon... Hindi ba't napakahirap? Kailangan mong umiyak sa gabe ng tahimik kapag tulog na ang lahat, habang naliligo o kaya naman ay kapag naiwan kang mag-isa sa bahay niyo. Silly, right? But indeed. Lahat ng ginagawa ng isang tao ay may dahilan...ngunit hindi lahat ay alam ang dahilan kung bakit nila ginawa o ginagawa iyon. Kung baket ay maaaring nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa iisang bagay. 'The Pretenders'. Kung kilala mo talaga ang isang tao ay malalaman mo kung nagpepretend lang siya o hindi. Ang pagiging ekstra lamang sa buhay ng isang tao mahalaga rin bagaman tayo ang sumusuporta sa kanila bilang bida ng kanilang buhay. They maybe carry it on their own shoulders but it would be easier for them if you'll at least help them ease the pain.. Because someday, you'll be the one who's heart broken and them as your armor. That's life...its a cycle. ;D

Love is?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon