"Love is everywhere." Pati sa banyo? (--,)v Tsk tsk. Heto... itong isang 'to. Para naman 'to sa mga taong single. O yung mga taong nagsasabing ... "Im single and ready to mingle." ?? Ang lagay kasi saken 'non ay parang handa kang magmahal anytime kasi nga single ka at naghahanap ka rin ng taong magmamahal sayo. Kumbaga ay parang may kulang sayo na isang tao lang ang makapagbibigay 'non sayo, at iyon ay ang taong hinahanap mo na mamahalin at magmamahal sayo. Nasasabi mo lang na love is everywhere kasi hinahanap at umaasa ka na makita o mahanap mo na iyong the one mo. 'Yong tipong you were very willing to find him/her kahit saang iskinita pa ng mundo yan? At...
Ikaw 'yong atat. Ang love is everywhere ay para rin sa mga taong atat. Atat sa pag-ibig na akala mo ay hindi mabubuhay kapag wala silang mga lablayp. Kasi diba? Papaano mong hindi masasabi na love is everywhere kung 'nong naghiwalay kayo ng shota mo ay itinatak mo na agad sa utak mo iyong isa sa mga kasabihan ng mga taong bitter na 'marami pang iba dyan'. Maraming pang iba 'dyan' , nasasabi mo lang naman 'yan kasi alam mo na makakahanap ka iba at umaasa ka na mangyari 'yon... agad. Pero hindi mo naman kailangang maghanap at umasa. Dahil sabi nga nila, kung para sayo talaga ang isang tao ay mapapasayo at mapapasayo ito kahit na anong mangyari. May mga bagay kasi na hindi naman talaga natin kailangang hanapin nang dahil lang sa pakiramdam mo ay may kulang sayo at kailangan mo itong hanapin. Huwag kang mag-aalala dahil kung para sayo talaga ang isang tao at siya 'yong taong inilaan sayo ni Papa Jesus, magkakatulayan pa rin kayo kahit na daanan man ng tsunami ang lugar kung saan kayo nagde-date. Hindi naman siguro sya sayo ilalaan ni Papa Jesus kung hindi rin naman kayo pagtatagpuin diba? Kaya enjoy lang! Live life! :) Hindi mo kailangang maghanap, maghintay o umasa. Dahil darating din 'yong tamang oras para sa inyong dalawa, yung para sa inyo lang, at para sumaya.
'Love is everywhere.' -- It's a yes and a no. Yes, love is everywhere because you can love all the people in different ways. Yes, because everyone is loving everyday, it's the love carrying by the people who's in love. No, its not. Because love, your love, or your someone is in only one place. He/she is not in everywhere. He/she is in the place where you two can start and make your own story, fairytail, and history. ^_^
BINABASA MO ANG
Love is?
RandomLove o Pag-ibig Tsk tsk. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip ng madalas tungkol dyan. Isang salita lang naman ito. Apat na letra sa ingles, at pitong letra sa tagalog. Ngunit bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa isang tao? Ano nga ba a...