Operation 2

245 9 0
                                    

Missing book

"Ah, miss ok ka lang?" Tanong sa akin ni Ludwig

"Ha? Ah! O-oo ok lang ako" sabay ngiti sa kanya

"Ganon ba? Sorry nga pala sa pag bunggo ko sayo. Sige mauuna na ko"

Kinilig ako.

Siya talaga si Luigi. Owemji mas pogi niya in person. I slowly bite my lower lip thinking that I idea of mine. Bagay na bagay talaga sila ni Venus. Hihi.

Saka sa akin. Di charot lang.

Di ako makapaniwala na ang fictional character na favorite ko may mukha na! Kasi sa imagination ko wala silang mukha. Mas lalo akong naiinlove.

Napa sampal na lang sarili ko sa iniisip ko. Owemji ka Shreya! Fictional sila! Anu to! Kanina galit na galit ka kay Venus tapos ngayon gustong gusto mo si Luigi. Saka panaginip ito remember. Di sila totoo.

Argh!! Kaylangan ko mag focus sa goal ko ngayon.

"Ah, ate pede pong magtanong?"
Nagulat ako sa biglang nagsalita.

"Ah sorry ate kung nagulat ka ah" lumingon ako sa nagsalita na lalaki.

Kulay coffee ang buhok niya. Meron syang bangs na natatabunan sa forehead niya parang cloud like ang buhok niya sa malayo. Matangos ang ilong at ang mga mata ay kulay russet. Heart shaped like ang bibig.

"Ako nga pala si Elio" pakilala nito. Di naman sa masungit ako pero di ako nagtatanong. Ayon gustong kong sabihin sa lalaki na'to kaso badtrip na ko.

"Ah, hi. Anu ba itatanong mo?"

"Saan dito ang Ambrose academy":

Sa Ambrose academy pala siya?! Elio....? Omg! Yung golden retriever sa JELL. Kasama kaya niya si Luigi? Baka naman nasa likod naman yung iba kasama. Tumingin ako sa likod pero isang malaking kotse lang, humarap na lang ako sa kanya.

"Sorry pero diko alam ang Ambrose academy" huling ani ko saka umalis.

***

Elio Ortanez

Luh iniwanan lang ako. Dedma si ate gurl. Saan ba kasi Ambrose academy?! Di niya daw alam. Eh suot-suot nya nga yung uniform eh.

Na agaw ng atensyon ko nang may kumatok sa kotse.

"Elio, just search on Google maps" ani Jah

Sinunod ko naman sinabi niya at pumasok na sa kotse. Siya ang driver ako naman sa shutgon. Naka suot lang ako ng tshirt at pants. Tutal bago palang akong estudyante dito. Pati na din si Jah transferee. Naka maong jacket na may blue tshirt sa loob pair with pants.

Si Law at si Luigi ang dating estudyante dito sa Ambrose, naisipan na lang namin ni Jah na mag transfer na kaso di namin pinaalam sa dalawa. Kaya ito naligaw kami ngayon.

Pag-alis namin sa kotse naramdaman ko tumitingin ang ibang estudyante dito. Dumeretso agad kami sa room kung saan nandoon si Law at Luigi. Ngunit may nag bubulungan pa din estudyante habang kami ay naglalakad

"Omg, mga teh diba si Elio yun"

"Oo nga noh! Katabi niya si Jah!"

"Dito na sila mag-aaral?"

"Hindi. Dito sila magnanakaw. Malamang teh dito mag-aaral, paaralan to"

"Nyeta ka. Sa bagay magnanakaw naman sila....ng puso. Kyaaa"

"Ay korny mo. Pero truuu, makikita na natin sila araw-araw. Gaganahan ako pumasok nito"

"Kahit ganahan ka pa. Bokya pa din grade mo. Oy!"

An Unpredictable OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon