Operation 12

65 3 1
                                    

Operation 12
Kabanata 12

Nothing

Elio

This past few days have been weird since Venus and Luigi got close to each other. Tinanong ko na din kay Shreya about it pero walang naman pake iyon. Ibang iba sa sinabi ni Law sa akin.

"Napansin niyo ba naging malapit nina Luigi kay Venus" sabi ko sa gitna ng pagkain ko ng cloud-9.

"Imposible" ani Law

"Paanong imposible naman iyon?" Tanong ko. Nasa Bahay kami ni Law ngayon. Naglalaro lang kami ng Xbox habang si Law nagluluto ng pagkain. Wala ngayon si Luigi dahil may gagawin siyang importante sabi niya.

"Siguro, alam ni Venus na may crush si Shreya kay Luigi"

Napalaki ko ang mata ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman na siya yun?"

"Napansin ko lang, lagi siya nakatingin kay Luigi. Nahuhuli ko"

Napataas ang isang kilay ko sa kanya sabay paliit ng mata. Di niya naman pinansin iyon mga ibang kaklase namin na may gusto din kay Luigi....pero si Shreya na pansin niya. Hmmm...

"Common, don't look at me like that"

"I'm not looking at you like that"

"Whatever, Elio"

Kaya naghihinala ako kung totoo ba sinabi ni Law o hindi. Ayoko masaktan si Shreya noh. Wag siya please.

"Ok class, napapansin nyo nakaraan ay nag iikot-ikot na yung mga maghahabol ng elections. At alam ko na din binasa nyo sa FB page ng school na ang election day ay sa Biyernes na. Half-day lang kayo nun"

Biglang naghiyawan ang mga kaklase namin kasama na din ako. Walang pasok! Yehey! Kumuha ako ng cloud 9 sa bulsa ko saka kinain yun.

Teka, sino nga ulit ng kasali sa election?

Lumapit ako kay Shreya para tanungin iyon. Sinamaan niya agad ako ng tingin pero ngumiti lang ako sa kanya. Nag ala bundok pa yung isang kilay niya.

"Sama naman ng tingin don't you worry beh~ di kita bwibwisiten. Itatanong ko lang sino mga kasama sa election ngayon taon?"

"Sino pa ba?! Edi yung batas na iyon na walang kwenta!" Sagot niya sa tanong ko. Napatakip pa sya ng bibig at may binulong na nadinig ko "Shreya oh my ka! Bat mo sinabing?!!"  Napakunot ako saka tumawa tumingin naman siya sa akin ng masama.

Ang cute niya.

"Anong nakakatawa ha?!"

"Wala, sino nga kasama bukod kay BATAS?"

"Alam mo ba nakalista lahat ng mga kasali sa baba. Tignan mo na lang doon. Nakakatamad mag-explain. Please lang"

I sighed. Wala din kwenta kung kukulitin ko pa sya. Bumaba ako para tignan kung sino mga members na kasali.

Team kabataan
President: Maha
Vice president:...
Secretary: .....
Treasurer: ....
Auditor :....
P.I.O:....
Peace officer:....
Muse: Verona Neveah Nuguid
Escort:.....
Representative grade 11: Serene Riyanna Lagasca
Representative grade 12:.....

Team
President:.....
Vice president: Lorcan Draven Arsenio
Secretary: Elliott Alair Ortanez
Treasurer:.....
Auditor :.....
P.I.O:....
Peace officer: Kash Jahleel Quintos
Muse: Chel Rin
Escort: .......
Representative grade 11: Mae Dizon
Representative grade 12:.....

Hala kasama pala ako! Bat di ko alam? Teka, pati si Shreya kasama? Kaso sa kabila sya. Kalaban namin...

Ayoko kalabanin si Shreya.

An Unpredictable OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon