Operation 5

108 6 0
                                    

Alarm

"Sino di pa tapos? Itaas ang kamay"

Pre-cal ang subject namin ngayon at gumagawa kami ng activities. Tapos na'ko, medyo naiintindihan ko naman ang pagturo ng guro namin about sa pre-cal.

Buti na lang di kami nalate kanina. Si Venus kasi!

10 minutes earlier

"Tara na Venus mamaya mo na pakainin yan malalate tayo sa klase"

"Sandali lang to, Shreya. Promise" naka-asian squat siya habang pinapakain ang pusang ligaw.

"Tsk, bakit ba gustong mo pakainin yang pusa nayan. Nagdala ka pa talaga ng ulan at kanin niyo" ani ko saka umupo na naka-asian squat din.

"Nakita ko kasi sila kahapon habag papunta tayo sa trabaho natin" pinaamo niya ang mga pusa.

Maliliit ang mga pusa tatlong orange ang kulay ng balahibo nila at Grey ang kulay ng mata nila. Yung isa madumi, sa gitna medjo magulo ang balahibo niya, yung sa pangatlo naman puro galos ang katawan. Pareho silang tatlong payat.

"Ang cute kaya nila" tuwang tuwa siya na pinapaamo niya ang mga pusa.

Tatanong ko sana kung bakit di na lang sila mag-ampon. Di ko na tinuloy ang pagtanong dahil walang naman saysay iyon kung tatanungin ko siya ng ganon. Alam ko naman yung sagot doon.

Wala silang sapat na pera para mag-alaga kaya hindi humiling si Venus ng pusa.

Isa pa takot sa pusa yung kapatid niya, kaya ganon.

Saka ang pagkakaalam ko ayaw niya din sa pusa. May na-iskip ba ako? Parang di ko naman to nabasa eh.

Baka nga di ko nabasa

Tumayo ito saka nag-aya na. Lumingon ulit ako sa likod kung nasaan ang pusa. Dumating ang malaki na pusa na kamukha nila. Sa tingin ko nanay nila yun. Bini-baby niya ang maliit na pusa saka tumabi ito. Sumunod ang tatlo na pusa sa bisig ng nanay nila saka natulog.

"5 minutes left sa mga di pa tapos. Tapos yung mga tapos diyan magsitahimik ang bibig at takpan ang papel"

"Penge naman ako ng sagot" bulong ng mga kaklase ko.

Ina naman! Di na ba enough yung pakiki connect nila sa data ko?! Mahirap na nga lang kami eh! Tas ipon ko pa yung pinangbili ko.

"Oo nga, penge kami"

"Damot di wag"

Hindi talaga! Umiling ako sa mga sinabi nila.

Nag-drawing na lang ako sa likod ng papel na sinagutan ko. Nang may naramdaman ako kakaibang presensiya. Lumingon ako sa likod pero natagpuan ko ang masamang tingin ni Law.

Inaano ko siya?

Hmp, bumaling ako sa kabila. Masamang titig naman ni Jah ang natagpuan ko. Bumalik na lang ako sa ginawa ko.

Inaano ko sila, ha?

"Finish or not finish exchange papers to your seatmate. Stop answering."

Huminto ang iba at iba naman patuloy pa din sa pagsusulat. Yumuko ang iba nang magtatawag na ang guro namin habang ako hindi yumuko para di matawag. Effective kaya to. Nagawa ko na to noon at ayun dipa natatawagan.

Promise effective to!

Kung na tawag ni Sir, ililibre ko ang buong klase! Mark my word!

Wala naman akong pera--- I mean onti lang pera ko.

Sabi ni Mama wag ko daw sabihin na wala akong pera kasi baka mawalan daw ako nang tuluyan dapat daw onti lang.

"Carl, ikaw unang sumagot ng number one" tinawag niya ang nakayuko na kaklase kong lalaki.

An Unpredictable OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon