Operation 9

103 5 0
                                    

Operation 9
Kabanata 09

First operation

"Sorry, di ko yun sinasadya" paumanhin ko habang tinutulungan siya makatayo.

"Don't touch me" masungit na aniya habang pinagpag yung mga natapon na pagkain sa kanya ni Mae.

"You!" turo niya kay Mae. Nanginig si Mae sa pagturo sa kanya ni Law.

"Wag mo nga siyang ituro" sabi ko habang inalis kamay niya sa pagturo. Bumalik ako sa tindera para humingi ng tissue.

"Eto oh, tissue. Alam ko wala na tong kwenta pa pero punasan mo yun natapunan sayo" tinabig niya ang kamay ko na hawak ang tissue. Pinunasan ko na lang siya.

"Ohhhhh" sulsol ng mga nanonood sa amin. Anong nakaka-amaze doon?

Tinaasan ko na lang sila ng kilay para tumigil sila sa pagsulsol sa amin.

Hindi ko naiwasan na amoyin siya. "Amoy sinigang ka na" biglang salita ko. Tumahimik naman sila.

Bakit biglang tumahimik noong sinabi ko iyon. Tumayming talaga pagiging tahimik nila sa sinabi ko.

Nakakaiyak na. Nyemas!

Nawala lang katahimikan nila nang biglang tumawa si Elio na nasa likod lang ni Law.

Nandoon din si Luigi pati rin si Jah.

Bad image ko kay Luigi nito. Tumingin ako kay Luigi kaso nakatingin siya sa mc ng story na 'to.

Ay wala naman palang pake sa katangahan ko.

"What did you say?!!" sabi ni Law na umiigting panga, madalim na ang mga mata, at ang tono niya ay malalim na. Nakakatakot na siya. Baka isang salita ko pa ay papatayin niya na ko.

Tumingin ako kay Venus na nagaalala sa akin.

Di niya kailangan mag-alala. Alam ko naman gagawin ko dito.

Humingi ako ng paumanhin pero di iyon sapat para mabago ang itsura ni Law.

Pagganto ang mangyayari sa nobela kadalasan sinasabi ng mc ay gagawin niya lahat basta wag lang saktan minamahal niya. Which di ko gagawin.

Rule number 1: wag ka magbibitaw ng salita na ika-papahamak mo.

Kaya silent lang ako.

Ok lang sigawan basta wag lang mapahiya habang buhay.

Pero.....

Paano ako makakaalis nito?

Hirap naman kasi ng sitwasyon ko eh.

Trying hard talaga ako. Okay naman sila sa dulo ng nobela. Pwera lang kay Ria saka si Jah. Kasi heartbroken sila dulo ng nobela. Saka si Luigi na naging single sa dulo ng book.

Paano na to? Nyemas di ko alam paano ako aalis dito.

Magpanggap kaya ako na nadapa ako tapos punta ako sa clinic.

Or tatakbo ako tapos papunta faculty.

Kaso wala din kwenta dito mga teacher.

Haller! Nobela to, automatic na yan. Except sa mga advisers noh.

Magugulat ka nga. Nagpapatayan na sa loob ng paaralan. Wala pa din ginagawa yung mga dean or principal sa school.

Criminal yun.

"Nakikinig ka ba babae?" Mariin na tanong ni Law

"Hindi"

"ANO?!"

An Unpredictable OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon