Operation 13

71 4 0
                                    

Operation 13
Kabanata 13

Suddenly?!

"Dapat kasi di na lang tayo umalis sa party"

Nakasimangot ako naglalakad habang nakikinig sa sinsabi ni Mae, kasama namin si Venus na tahimik lang.

I sigh "Ilan beses ko bang sasabihin sayo na di ka inimbitahan doon para sumaya kundi pahiyain lang" pagleksyon ko na nang sampung beses.

"Gusto ko lang naman makasundo ko sila Chel"

"Makasundo? Hindi ka nga gusto ng tao. Bat mo ba pinipilit ha? Sige, gusto ka—Gusto kang pahiyain sa lahat ng bisita niya"

"Inimbitahan nga tayo ng tao. Nakakahiya naman kung di tayo dumalo" pagdahilan pa ng loka.

"Sige, pumunta ka sa party niya. Wag na wag kang pupunta dito na sabihin sinasaktan ka nya o kaliman makita sa internet na pahiyang-pahiya ka na"

"Per—" Magsasalita na sana si Mae kaso pumagitna na si Venus.

"Mae tama si Shreya. Di makakabuti sayo na pumunta doon"

Katahimikan ang bumalot sa amin. Naka-upo sa sahig si Venus at katabi niya naman si Mae habang ako nakatayo lamang.

Oh ano? Diba napatahimik na lang siya. Ulit kasi.

Biglang nag-ring ang phone niya. Dahilan para tumayo ito at pumunta sa malayong lugar. Nangliit ang mga mata ko mukhang may ideya na ko kung sino iyon.

"Saan tayo pupunta nyan?" Tanung ni Venus. Nakuha niya ang atensyon ko na nagpawala sa iniisip ko.

Hindi naman ako makasalita agad. "D'yan lang. Basta malayo sa lugar kungsaan di natin makikita yung si Chel"

"Baka naman kasi nagbago na si Chel"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Kung alam nya lang pinagagawa ni Chel sa kanya sa libro. Ganto kaya gagawin nya pa din?

"Ang tao di nagbabago hangga't di niya narerealize na actions nila. Sa situation ni Chel wala pa sya sa lebel na yun. Ang maganda gawin natin layuan muna sya"

Bigla may nag-notif. Kukunin ko sana yung cp ko pero cp pala ni Venus yun.

Ganda nun cp niya kahit luma na. Blackberry na pwdeng slide yung screen. Tapos pag-ini-slide mo pababa makikita mo sa top yung pindutan ng music. Sa nobela sabi nakaka-fa-facebook sya dahil sa cellphone ng tita niya tas ngayon pumupunta na lang sya sa comshop para doon makapaglog-in.

"Uhm...nagtext si Luigi sa akin.."

"Pupunta ka kay Luigi?" Tanong ko. Sasagutin na sana nya na nagsalita si Mae.

"Aano kayo kay Luigi?" Napabaling ako kay Mae. Bumungad naman ang maamo nya na mukha. Nakita ko pa paano niya tinago yung cellphone niya sa bag.

"Humihingi ng tulong si Luigi tungkol sa mga pusa... Pero don't worry bukas pa naman kami mag-memeet up"

"Bat hindi na lang ngayon?" Hirit na tanong ni Mae.

Bakitt hindi nya itanong sa sarili niya iyon. Aba'y girl malamang naka cowboy tayo tas pupunta agad tayo doon.

Inuna pa yung landi kesa mahiya eh.

Bat kasi sumunod pa ko sa gusto ng babaeng ito. Saka diba ayaw nya ng pusa? Yun yung sabi niya kanina lang.

"Ano ito?" Tanong ko habang hawak-hawak ang cowboy hat na pink.

"Yan daw theme ng party ni Chel"

"Alam ko. Sino ba kasi nagsabi sasama kami ni Venus? Ang sabi mo gagawa tayo ng mga assignments sa bahay mo hindi ganto" hinulog ko na lang sa upuan yung cowboy hat na hawak ko.

An Unpredictable OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon