Simula

474 16 0
                                    

Simula

"Ate, anu nangyari sayo?" Tanong agad ng kapatid kong lalaki nung bumaba ako galing sa taas.

"Wala. Kumain ka na lang dyan, Silas" sagot ko naman. Sakit ng mata ko! Ang hapdi! Kagabi kasi umiyak ako sa nabasa kong libro na binigay ng kaibigan ko.

Bakit kasi di niya pinili yung second lead eh!!!

Tinignan ko ang mga mata ko sa salamin. Argh! Namamaga mata ko! Hinaplos ko muna ang dalawang mata ko bago umupo sa tabi ng kapatid ko.

"Nagpuyat siguro yan Silas" hinala ni Shanti habang kumakain na nang almusal. Lumingon ako para hanapin si Shea na kambal ni Shanti.

"Naliligo si Shea, Ate. Tapos si Mama naman abala sa uniforme natin. Nakalimutan niya kasi plantsahin kahapon" ani ni Shanti. Napansin nya yata na hinahanap ko sila.

Tumango ako sa sinabi niya at nagsimula na kumain. Apat kaming magkakapatid, ako pinakamatanda. Si Shanti at si Shea ang kambal na sumunod sa akin ng dalawang taon. Si Shea unang lumabas, sampung minuto bago lumabas si Shanti. Pero iba pa din ang ugali nila kahit na kambal sila. Kaya madali masabi kung sino sila.

Pareho silang matalino, Si Shea ay madali makaintindi ng mga bagay lalo na kung interesado siya habang si Shanti mahilig magkabisado ng mga lesson. Bata pa lang si Shanti lagi siya nag-a-advance reading sa mga lesson kaya nga nakasalamin siya dahil sa pagpupuyat niya. Lagi silang nagsasabay sa top.

Si Silas naman matalino din lagi na sasama sa mga quiz bee at spelling bee. Anim na taon agwat niya sa akin habang sa kambal naman apat na taon.

Ngayon, grade 11 na ko, yung kambal grade 9, at si Silas grade 5 na.

Parang ako yung black sheep sa pamilya namin. Lagi na lang walang award. Nagsasawa na ko, naalala ko nga noong April graduation namin tapos moving up naman ng mga kapatid ko.

May certificate sila habang ako nakaupo lang at pinapakinggan valedictorian namin. Pero sanay na ko sa ganon. Wala naman nagbabago sa buhay ko. Kahit excitement lang di ko madama tuwing papasok. Samantalang mga kapatid ko kitang kita ko sa mga mata nila na lagi sila galak na pumasok. Marami kaibigan, kakilala, madaming award na natanggap. Habang ako dito tamang pag-iingat sa mga libro ko.

Yumuko ako sa naisip ko. Dapat di ko kinukumpara sarili ko sa kanila. Una sa lahat, iba-iba kaming mga kapatid ko.

Pangalawa, ano naman kung matalino sila. Matalino din naman ako ah, nakatago lang sila. Wala tayong magagawa.

Shy type eh.

Naniniwala din ako mahahanap ko din kung saan ako magaling.

Kailangan ko maging matatag lalo na wala na si Papa. Si Mama at ang mga kapatid ko na lang natitira. Di ko maaring inggitin sila dahil lang iba ako. Sa akin na lang sila umaasa dapat di ko sila biguin.

"Ate nagdadrama ka na naman ba dyan?"

Iniangat ko ang ulo ko sa nagsalita na yun. Si Shea lang pala.

"Wag mo akong tignan. Kumain ka ng kumain ate. Isa't kalahati ka pa naman mabagal" sabit nito sabay lingon kay Silas "Ikaw naman bilisan mo diyan. Ikaw pinaka mabagal sa atin"

Sinaksak ni Silas ang pagkain sa bunganga niya sabay inom ng tubig. Tumayo na si Shanti, pumunta sya sa banyo para maligo. Dalawa cr namin, isa sa baba na di nagflash ang inidoro pag tumatae, isa sa taas na naflash naman ang inidoro pagtumatae kaso mabagal mapuno ang tubig sa timba kaya doon naliligo si Shea dahil siya ang pinaka mabilis sa amin, doon din naliligo si mama.

"Mga anak ko! Ito mga uniforme nyo" Sigaw ni Mama. "Sorry kung matagal si Mama ah" sabay halik sa pisngi ni Silas.

Tapos na kami maligo, damit na lang ang kulang sa akin at makakaalis na. Si Shea nag makeup pa. Si Shanti naman nagbabasa ng textbook nila. Si Silas nagsasapatos na. Nilapag na ni Mama ang damit pero kulang pa nang isa. Nasaan yung sakin? Teka, bakit parang iba yung design ng uniporme nila?

An Unpredictable OperationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon