VI. Anonymous Informant

162 16 3
                                    


Regina's POV

Samantala, napag-alaman na ang lima sa mga missing persons na naireport nitong mga nagdaang buwan ay mga namatay na pala. 

Ayon sa aming impormanteng si Juancho Dela Cruz, hindi tunay na pangalan, ay matagal na raw niyang alam ang ganitong pangyayari sa syudad. Tinuldukan niya ang dating usap-usapan na kakaibang sindikato ang may gawa ng pagkawala ng mga residente ng Nueva Esperanza. 

Bagama't mahirap na paniwalaan, ang mga pagpatay na ito ay kinumpirma ni Juancho na gawa raw ng mga vampires o bampira dahil na rin sa mga kagat nila sa leeg. 

Maliban pa 'yan sa dati nang naireport  na sinabing namatay dahil sa kagat at kamandag umano ng ahas. Sinasabi na isa pala siya sa naging biktima ng bampira. 

Narito ang mga pangalan ng mga taong kumpirmadong patay na dahil sa pangyayari:


"I cannot believe this Ali!!!" I screamed out of frustration as I remembered the news earlier and Zaldy's surprise visit, blaming me for what was happening. I have been walking in circles here at my office still thinking of a plan on how am I going to feed tonight.

"Ako pa talaga ang pag-iisipan ni Zaldy!? Out of the five names mentioned earlier, tatlo doon ang sa'kin. There's no way na may kinalaman ako dyan! Ughhh! I need to hunt tonight! And it's not helping na maingay ang balita ngayon! Sino ba kasi 'yang Juancho na 'yan? 

"Regina. Kalma. Pahupain na muna natin ang balita. Kung gusto mo, pwede kitang bigyan ng—"

"No! I told you, I don't know how you half-bloods do it. Hindi ko kaya magtyaga dyan sa kung ano man ang pagkain mo. Have you ever tried sucking blood from humans? It feels different."

I tilted my head, my hand turning into a fist as I take a deep breath.

"Hindi to pwede! Hindi pwedeng naiisihan lang ako ng mga tao!!"

"Pero delikado. Sigurado, maraming nakabantay ngayon sa iba't ibang lugar o 'di  kaya hindi na lalabas ang mga tao dahil sa takot. Pansamantala lang naman. Kung gusto mo."

I shook my head.

"No, no. No. There is no way I am gonna stop hunting tonight just because of whoever this Juancho Dela Cruz is. Naiintindihan mo?"

I glared at Ali, he nodded. I swear whoever is doing this, pagsisisihan niya. I will kill him.

"Things might escalate if I hunt tonight, I know that. But I need it, Ali. Mag-iingat naman ako" I tilted my head. "It really is frustrating na ngayon pa talaga 'to nangyari. And look, one week pa lang mula nu'ng naging mayor si Noah. Is he that stupid that he can't have this under his control? Ugh!!"

I grunted as I walked towards my seat.

"Sinundan mo ba 'yung pulis? For sure may alam sila about what's going on." Ali nodded.

"Ang sabi lang niya, may anonymous sender daw. At 'yun ang nagsiwalat ng lahat ng nangyari noon. May binigay na files at nandu'n lahat ng ebidensya kaya madali rin para sa mga pulis na ikumpirma kung totoo ba, bago nila nilabas sa publiko."

"Must be someone close to Zaldy then? At ngayon niya isiniwalat dahil wala na si Zaldy sa puwesto. Hmm, whoever this person is, nagkamali siya sa pinapasok niya now that a vampire is in charge of this city—well, only if ginagamit ni Noah ang utak niya."

I banged my desk as I glared at Ali. Naiinis ako sa Juancho na 'yan. Ang ayoko sa lahat ay 'yung may sumisira sa araw ko! I need to know kung sino siya as soon as possible.

The Dark of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon