2 months ago...
"Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta sa lahat ng mga taong iginugol ko rito sa lungsod na ito. At sana sa darating na eleksyon, suportahan ninyo ang aking anak, na talaga namang kasing guwapo at matipuno ko—si Noah Vallesteros na sinisiguro kong ipagpapatuloy lahat ng aking mga nasimulan at pagbubutihin pa ang paglilingkod sa inyo. Umaasa ako na mananaig sa ating lahat ang pagkakaisa para sa labis pang pagpapaunlad ng Nueva Esperanza. Kaya naman, inaanyayahan ko ang aking anak na si Noah, na samahan ako rito sa entablado. Palakpakan tayo diyan!"
"Mukhang ginagamit din pala ni Zaldy ang utak niya paminsan-minsan. Mas magiging pabor sa kanya kung si Noah ang pauupuin niya sa puwesto. You know what, I find Zaldy more interesting than Hergis. Natutuwa ako sa kanya. He's like a clown to me, so does his son." saad ni Borgo, o mas kilala bilang si Rex, kay Regina. "What can you say, Valentina?"
Umirap lang si Regina na pinatay ang telebisyon na nasa opisina niya. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad palayo.
"Do I have to be bothered? It's not as if magiging Mayor na si Noah bukas. Besides, even if he does, that doesn't change the fact that he is still the weakest among the solderas. And again, it's Regina. Not Valentina."
Tumawa naman nang bahagya si Rex na lumapit sa anak.
"Weakest? Pare-parehas lang kayong walang ginagawa para mahanap na ang Martean. Hanggat hindi mo pa nadadala ang Martean sa heneral, wala kang pinagkaiba sa kanila. Isa ka ring talunan. Walang kwenta."
Hindi umimik si Regina pero 'di rin nagpatinang sa malalalim na tingin ni Rex sa kanya.
"Wala akong pakialam sa pinaggagagawa ng mga Vallesteros. Ikaw ang iniintindi ko. Alam mong ginagawa ko ang responsibilidad ko nang tama at nang higit pa sa ibang soldantes. Ang sinasabi ko lang, ayokong ikaw pa ang dahilan para mapahiya ako sa heneral at sa protektor. Naiintindihan mo!?" may diin na bulyaw nito sa kanya. "I want progress."
Umiwas ng tingin si Regina at napairap na lang sa inis habang hinahayaang maglakad palayo si Rex sa kanya. Bago pa man makalabas ng pinto, muli nitong hinarap ang anak at nagsalita:
"Clock is ticking, Valentina. Move."
Narda's POV
"Narda!!!" biglaang bati sa'kin ni Richard nang masalubong ako sa daan. Papunta kasi ako sa Nargi Kopi para sa shift ko. Maliit ang kita dahil nga stall lang naman 'yun, pero pwede na rin, masaya naman kasi na magbarista.
"Sabayan na kita." Tumango ako at hinayaan siyang umakbay habang naglalakad kami. "Good morning!"
Agaw pansin na ngiting-ngiti ang mokong, mukhang ewan. Napakunot-noo tuloy ako sa kanya.
"Ano'ng meron? May jowa ka na ba?"
"Sira! Start ko na rin kasi sa Vanguardia Foundation next week. Kaya ayun, syempre happy 'di ba?"
"Vangwa–ano!?"
"Tss. Vanguardia! Palibhasa ang dalang mo na sumama sa amin ni Andre eh. EMT na rin ako doon. Nag-aasikaso na lang ako ng requirements, pero sure na 'yung orientation at training next week. May uniform na nga ako, eh."
Tumahimik ako saglit. Ahh naalala ko na, si Andre kasi ang unang nag-apply doon. Last year yata? Tapos palagi na niyang bukambibig kay Richard na sumunod na rin daw siya kasi raw may cute silang officemate or team lead yata? Or ewan! Basta may chics daw kasi doon.
Ewan ko ba sa mga 'to. Inconsistent. Sabi nila noon, gusto rin nila mag EMT kasi tulad ko, na-enganyo rin sila nu'ng may time na nag-volunteer kami sa isang training camp. Tapos ngayon, chics lang pala motivation to work. Haynako.
BINABASA MO ANG
The Dark of You
VampirOne wanted nothing but to live a simple and ordinary life while the other aims to become powerful even if it meant betraying her own race. One encounter will give them a twist of their fate, finding themselves at a crossroads. They get to choose: a...