Narda's POV
Halos magtatatlong oras na akong nakaharap dito sa kompyuter pero wala naman akong napapala. Paulit-ulit lang ang nababasa ko, mga dati ko nang alam; super strength, heightened senses, drinks blood, immortal.
Wala na bang iba?
Ripped-off heart killings. Vampires involvement with snakes,. Vampires and bees...
Wala bang kahit na ano na tungkol sa mga yu'n?
Gusto kong malaman kung kinakain ba nila ang puso ng tao. Nagiging ahas ba sila? Bubuyog? O may kakayahan sila na kontrolin ang mga 'yun?
O baka naman may iba pang halimaw na nasa likod ng lahat ng 'to? Kaya ba wala akong mahanap na impormasyon?
Baka hindi bampira ang tawag sa iba sa kanila.
Pero ano?
Sumasakit na ang ulo ko kahahanap at kaiisip. Gusto ko talagang malaman kung may pattern ba ang pagpatay nila. Kung oo, ano ang pinaka-hanap nila sa mga biktima nila?
"Hayy. Wala ba talaga?" napabuntong hininga na ako na ako sa inis pero patuloy pa rin na naghanap ng ibang articles.
Sino ba naman kasing magaakalang totoo pala ang mga bampira? Dati-rati, pantasya pa ng tao ang mga tulad nila dahil sa napapanood sa mga pelikula.
Pero ngayon...
"Hayy. Wala ba talaga?" nagulat ako at napalingon sa nagsalita.
Si Ding.
"Huy! Ano? Walang balak umuwi?"
"Kanina ka pa dyan?"
"Oo kaya! Grabe focus mo, eh. Pakunot-kunot noo ka pa dyan." inirapan ko siya nang gayahin niya hitsura ko sabay tawa.
Bahala siya. Busy ako.
"Huy, hinahanap ka na ni lola."
"'Di ba nagsabi naman na ako na pauwi na ako?"
"Kahit thirty minutes ago pa 'yun? Uwi na, tulingan ang ulam." Bumuntong hininga na lang ako at lumingon uli sa kanya.
"Pwede bang one hour pa?"
"Ten minutes ka na lang, oh!" pagturo ni Ding sa kompyuter na nagp-prompt na halos time's up na ako. "Wag ka na mag-extend, magagalit na si lola. Bawal daw kumain hanggat hindi ka pa umuuwi." Napakamot ulo na lang ako. "Awat na!"
"Fine. Sabagay, gutom na rin ako. Alam mo, sa'yo na 'yang last ten minutes ko. Magbabayad na ako du'n, hihintayin na lang kita sa labas." sabi ko sa kanya at tumayo na.
"'Yun! Makakapagpost na rin ng status! Ay, magpapalit na rin pala ako ng profile pic!"
"Magpapaprint din pala ako. Ikaw na kumuha at magbitbit nu'n ha! Hihintayin kita sa labas." bilin ko at saka siya iniwan.
Nang makabayad, lumabas na 'ko't bigla na lang na kumabog ang puso ko.
Ito na naman...
Naninikip ang dibdib ko.
Ito na namang pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin.
Hindi ako mapakali.
Kinikilabutan ako.
Naglakad ako nang dahan-dahan at tumingin sa paligid, pero wala akong makitang kung sino. Wala naman ding kahit na anong kakaiba. Pero ewan, hindi ako makahinga.
BINABASA MO ANG
The Dark of You
VampireOne wanted nothing but to live a simple and ordinary life while the other aims to become powerful even if it meant betraying her own race. One encounter will give them a twist of their fate, finding themselves at a crossroads. They get to choose: a...