7.

364 11 0
                                        

Chandra

"Let's have a date" tumaas agad ang kilay ko, nasa harapan na kami ng dorm ko at ni Hara. Hindi ko alam kung ano ang gayumang ginawa nya at pinapasok sya ng taga bantay sa dorm samantalang bawal ang mga lalake dito. Gusto nya daw kasi ako ihatid hanggang dito

"At bakit?" May bahid ng inis na tanong ko

Natawa nanaman sya, ilang beses na ba syang tumawa simula ngayong araw? Hindi ko na mabilang. At sa bawat tawa nya inis ang kapalit sa akin. I thought he is intimidating jerk but he isn't, mas muka syang tanga sa paningin ko

"I want to know you more, besides.. Alam kong di mo kaya na hindi makita ni isang araw lang ang muka ko" mayabang nanaman sya, naka taas pa ang noo at may kakaibang ngiti sa labi

Umirap ako "hindi mo sure" pang aalaska ko, kita ko ang pagkunot ng noo nya. Tila hindi gusto ang sinabe ko. Ngayon ako naman ang ngumisi "I mean, alam mo na may pasok buka--"

"Oh c'mon! Hindi ka pumapasok!" Reklamo nya, he pouted like a kid and look at me sharply

Umirap ako, gago to ah. Pumasok kaya ako, isang subject nga lang. "Fine tss" parang luge pang pag sang ayon ko, aba lugi talaga!

Lumitaw nanaman ang ngisi nya sa labi, tila nanalo sa mabilisan kong pagsuko "Okay, see you later, love" sagot nya..

Nawala ang hininga ko ng bigla nya akong halikan sa pisnge, randam ko ang kuryenteng dumaloy sa akin at ang kiliting hatid nito hanggang sa himaymay ng buong pagkatao ko

He smirk and kiss me again in my nose before turning his back to me, leaving me here like a dumb stone!

--

"Hoy! anyare sayo at para kang tangang nakatulala dyan? Hindi ka na nga pumasok, hindi ka pa sumama sa umagahan kanina, kailangan ko tuloy mag bigay ng excuses!" Pangaral sa akin ni Hara, napangiwi ako

"Patawad, Hara" palabas na kami ngayon papuntang cafeteria kakain daw kami, wala ang nobyo nya kaya wala syang makasabay ngayon. Ako nalang ang niyaya nya, sabi nya ay may misyon daw

Namangha ako doon, I thought tuluyan na silang nag tatago sa mundo pero hindi pala ganoon, hindi porket humina ng kalahati ang lakas nila ay tuluyan na silang mag tatago sa takot, nag kakaroon parin sila ng misyon. Katulad ng pagtulong sa mga kapwa nila na napepeste ng mga hunter o di kaya ay ibang nilalang. Bigla ko tuloy naalala ang librong binabasa ko kanina, hindi ko pa iyon tapos at pinapatuyo ko pa iyon. I think aabot iyon ng ilang araw bago tuluyang matuyo para mabasa kong muli, sana nga lang ay hindi ito masira

Ayoko din na makita ito ni Hara, alam kong mag hihinala sya kapag nalaman nya kung saan ko nakuha ang librong iyon, ang totoo ay hindi ito sa library, well sa loob parin ng library pero hindi na ito sakop ng library. Nasa ilalim ito kung saan off limits ang nga estudyante at tanging personal staff lang ang pwedeng pumasok. Doon ko iyon nakuha

Ibabalik ko din naman, sana lang ay hindi pa muna nila mapansin na nawawala iyon

Nang makarating kaming cafeteria ay unti palang ang tao, malamang ay sa labas sila kumain, bukod kasi sa cafeteria ay may mga restaurant at mall dito. Medyo may kalayuan pa kasi ang bayan dito sa school kaya nag desisyon silang magtayo ng mga ibang gusali para kapag na bored ang nga estudyante ay makakapag gala sila at safe padin mula sa mga hunter

Nag order na kami, sabi nya ay sya daw ang mag babayad kaya medyo madami ang kinuha ko. Kita ko ang pag simangot ni Hara ng makaupo na muli kami sa upuan, tila nalugi dahil mahal ang napili ko "kaya mo ba ubusin yan?"

Ngumiti ako at tumango. Isang malaking steak, sizzling sisig, rice tsaka grapes juice lang naman ito.. Kayang kaya ko

Bumuntong hininga sya ng makita ang ngiti sa mga labi ko "Hayst, kung di ka lang talaga maganda,naku!"

Hindi ko iyon pinansin at nagsimula na kaming kumain, unang kagat ko palang sa steak ay nasarapan na agad ako at mas ginanahan kumain. Tinikman ko namam ang sisig at kahit medyo napapaso ay hindi ko ito tinigilan..

"Ang sarap nila magluto dito sa cafeteria" Triny ko ito sa kanin

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hara kaya napa angat ang tingin ko sa kanya, puno pa ang bibig ko habang nagtatanong ang mga mata sa kung bakit sya biglang tumatawa. Nakatingin nalang kasi sya sakin at hindi na kumakain, nakapangulambaba habang siyang siya na pinapanood ako

"Nah, nothing. You're just cute, first time mo lang makakain sa sobrang takaw mo"

Napakurap kurap ako, masyado na ba akong masibang kumain, did I lost my etiquette.. Where is your manners Chandra?!

"Uhm.. sor--"

"Mind if I sit here?" I was interrupted by someone, bigla nalang syang umupo sa tabi ko at nilapag ang pagkaing in-order nya

Bumilis nanaman ang tahip ng puso ko, same feelings again when he was around. I look at him, shock was evident in my face.. Bakit.. sya umupo dito?

"What? you can just eat,Love" aniya nya na para bang walang nagyayare sa paligid.. Alam ko! Randam ko! Yung mga tingin ng lahat sa lamesa namin simula ng umupo sya sa tabi ko, yung pagtawag nya sa akin ng 'Love' na alam kong dinig din ng lahat, yung pagtulala ni Hara sa katabi ko. But he remained unbothered!

Napasinghap ako na para bang nahimasmasan ng punasan nya ang gilid ng labi ko "w-what are you doing?!" Mahinang pabulong ko, alam kong nadidinig kami ng lahat dahil sa lamesa lang ata namin ang maingay pero ayoko pading lakasan ang boses ko dahil mas nakakahiya yun

Kumunot ang noo nya, he look at me as if takang taka talaga sya kung ano ang ibig kong sabihin "uhm.. Eating with you? Or...pinupunasan ang dumi sa muka mo? Alin doon?"

Napanga-nga ako. Halos hindi ako lalo makapaniwala sa pinag gagawa nya, is he serious?

"Why you don't like me here, love?" Kita ko ang biglang pagbabago ng mga mata nya, mula sa makinang ay naging malungkot ito, para bang nawala lahat ng kulay at bigla nalamang nawala ang mga emosyon dito. Agad naman akong na guilty, It's not that na kinakahiya ko sya or something it's just that..

How should I describe it? Masyadong mabilis ang lahat? Nakakagulat? Hindi ako sanay?

"Alright aalis nalang a--"

"No!" Agad ko hinawakan ang braso nyo, randam ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng maglapat ang mga katawan namin. Ramdam ko ang init nya at para bang hahanap hanapin ko na iyon simula ng maramdaman ko ito. Komportable ako sa temperatura ng katawan nya "You can stay here. Nagulat lang ako" unti unti ng kumalma ang dibdib ko pero di padin nawawala ang kakaibang sensasyong hatid nya sakin

Para bang natural na sa akin na ganito palagi ang hatid nya.. It is something I cannot ignore yet very comfortable 

Tumingin sya sa kamay kong nakahawak sa matitipuno nyang braso bago sa muka ko. He smiled a bit, shit he smiled again.. I swear I literally lost my mind when he smiled at me "okay" parang biglang umamo ang boses nya. Umayos sya ng upo, yung dumidikit ang balat namin sa lapit nya pero hindi naman sobrang lapit, tama lang

I bit my lower lip, nararandaman ko ang pamumula ng pisnge ko. Hindi ko alam kung makakakain pa ba ako ng maayos nyan, kung kanina ay wala akong pakialam sa paligid ko ngayon ay iba na.. Para bang gusto ko bawat galaw ko ay dapat ay maganda ako

Rinig ko naman ang pagtikhim ni Hara sa harap, kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Literal na nakanganga sya samin. Pabalik balik pa ang tingin na animoy may sasabihin pero walang nabubuong salita sa bibig nya

"What is.. going on? Did I missed something here?" Ramdam ko ang pagtataka hindi lang sa tanong nya kundi pati nadin sa tono at ekspresyon nya

I honestly don't know what to say.. Sasabihin ko ba?, pero alam kong hindi siya maniniwala doon. They know him as mateless at ang makita syang ganito ay bago sa paningin ng lahat

Alam ko iyon, simula pa lang sa mga kwento niya ay alam ko na agad kung anong klaseng nilalang ang lalaki sa tabi ko. Cold, mysterious and ruthless. And seeing him talking to someone when almost in his life he just barely speak, seeing him smile is way out of this world.. Naiintindihan ko sya

"Chandra is my mate" It was like a bomb that drop out of no where, I know, I know. Everyone gasp, even me.. Akala ko ay hindi nya sasabihin. But looking at his face while looking only to me

I can see proud and happiness, It was like a sun that showing it's bright after the rain

Moonlight Rays [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon