11.

294 9 0
                                    

Chandra

Aesthetic

I can describe this town like that, it was night but this town is still livelier, mas may buhay pa ito kesa sa buwan mula sa taas. Nanatiling nakahawak sa kamay ko ang prinsipe ko habang ako ay nililibot ang paningin s paligid

We are currently in a night market here in this town, kumikinang na mga palamuti na nakasabit sa gilid banditirtas na naka konekta sa bawat puno at poste. May mga dilag at mga bata na bumibili sa mga paninda na pagkain meron din namang kalalakihan na kasama ang mga kaibigan nila o di kaya ang kasintahan nila, may iba din na kasama ang pamilya nila

Ang mga nagtitinda ng pagkain ay nakangiti at inaasikaso ang mamimili, andami din akong nakikitang ibat ibang klase ng pagkain na nakahilera, hindi ko pa alam ang tawag sa iba dahil bago lang ito sa paningin ko

Kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa senaryong nasa harap ko, malawak ang ngiti kong lumingon sa katabi ko.. Kanina pa pala sya nakatingin sa akin, tila pinapanood ang bawat reaksyon ko. Pinaparating na mas interesado pa sya sa akin kesa sa magandang senaryo sa harap

"Pwede ba tayong bumili ng pagkain?" Tanong ko, medyo nahihiya dahil kaunti lang ang perang dala ko

Natawa naman sya ng bahagya "sure, my treat" nakangiting aniya, tila mapupunit na ang labi sa sobrang ngiti sa labi

Agad nag ning-ning ang mga mata ko "talaga? Libre mo ako? Baka mamulubi ka sakin"

"Nah. I have millions, love. Kahit sumakit na ang tyan mo kakakain ay hindi padin ako mabubutasan ng bulsa" maangas nyang sabi

Agad ko naman syang inirapan, hinila ko nalang sa sa unang pamilihan na nakita ko. Bumili kami nito at ang sabi ng matanda ay calamari daw ito... Unang tikim ko palang ay nasarapan na ako. Hindi talaga ako magsasawang tumikim ng mga pagkain sa lugar na ito. Para bang kaya kong kainin lahat ng pagkain sa mundo

Hinila ko pa sya sa ibang bilihan at wala naman syang naging reklamo, hanggang sa masubukan na ata namin lahat ng binebenta sa mga karitelya.. Ngayon ay naglalakad kami para magpababa ng kinain, hawak nya padin ang kamay ko at sya ang gumagabay sa akin papunta daw kami sa gitna ng bayan kung saan may ginaganap na pagdiriwang

"Anong pagdiriwang iyon, love?" Takang tanong ko, napatingin ako sa muka nya, kumikinang iyon at nagre reflect ang isang emosyon.. excitement

Tila ba isa ito sa hinahantay nyang mangyare taon taon sa bayan na ito

"It was a festival,love" sagot nya sakin. Lumingon sa sakin at hinalikan ako sa noo "A mate festival" sagot nya

Nangunot ang noo ko pero hindi nalang nagtanong pa.. Ah, alam ko ay may ganitong festival noon pa.. para itong festival ng pasasalamat sa buwan dahil nahanap na nila ang kapareha nila

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya, iniisip kung ano kaya ang emosyon nya dati ng may ganitong festival dito, dumadalo kaya sya? Or he is cursing this festival?. Napangisi ako ng maimagine ang muka nyang nakakunot habang bagot na nakatingin sa mga kapwa nya lobo na may kapareha

I'm sure as hell he is bitter before..

Nang nakarating kami sa gitna ng bayan ay mas namangha ako, kung ano ang ekspresyon ko kanina ng makita ang disenyo ng night market ay mas maliwanag pa doon ang muka ko, I am excited while seeing everything in this festival

May mga palamuti sa gilid, disenyong bulaklak pero ang pinaka naka agaw ng atensyon ko ay ang bonfire na malaki sa gitna, may mga bata din na nakapalibot dito habang nagsasaboy ng petals at may puti at pulang pinta da muka symbolizing purity ang love

May mga nanonood sa kanila, at kung kanina ay may nakikita na akong mga magkaksintahan, dito naman sa plaza ay mas naging dominante na sila. May iba pa ngang naghahalikan sa gilid..

Moonlight Rays [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon